Bea celebrity supporters Angel, Gretchen, Paulo unfazed by negative comments

by Bernie V. Franco
Jul 29, 2019
Celebrities Angel Locsin (second from left), Gretchen Ho (second from right), and Paulo Avelino (extreme right) remain unfazed despite being accused by netizens of taking sides with Bea Alonzo (leftmost) in Bea-Gerald Anderson split.
PHOTO/S: @beaalonzo, @therealangellocsin, @gretchenho, and @pauavelino on Instagram

Hindi natinag ang ilang artistang nagpahayag ng suporta kay Bea Alonzo sa kabila ng akusasyong nakikisawsaw at may kinakampihan sila sa isyung kinasasangkutan ng aktres at nina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Noong nakaraang linggo ay kumalat sa social media ang paparazzi shots nina Gerald at Julia na patunay umanong may namamagitan sa dalawa.

Bunsod nito, inakusahan si Gerald na nagtaksil sa girlfriend na si Bea, at third party umano si Julia.

Hindi naman maiwasang madawit ang pangalan ng ilang artista sa isyu, lalo na ang mga malalapit na kaibigan at kapamilya ng tatlong sangkot na artista.

Naging mabilis ang pagtatanggol kay Julia ng kanyang ina na si Marjorie Barretto at kapatid na si Dani Barretto.

Nagpahayag naman ng pagsuporta kay Bea ang mga kaibigang sina Angelica Panganiban at Angel Locsin via social media.

Noong July 24, Miyerkules, nag-post ang star ng The General's Daughter ng group photo kasama si Bea at ilan pang artista ng ABS-CBN na may hashtag pang "#ParaKayB."

Continue reading below ↓

Kasama sa larawan sina Paulo Avelino, Angelica, Ketchup Eusebio, at Bela Padilla.

Ng-post din sa Instagram si Janus del Prado ng larawan kasama sina Bea at Angel.

Nagkasama-sama sina Angel, Bea, at Janus sa pelikulang Four Sisters and a Wedding (2013).

Pinag-usapan naman ang palitan ng tweets nina Paulo at Angel noong July 26, Biyernes.

Nag-tweet kasi si Paulo ng "Na Bea Alonzo ka na ba bes? #ghosting."

Ginagamit ng millennials ang terminong “ghosting” bilang pagtukoy sa pag-iwan sa ere o biglang hindi pagpaparamdam ng isang tao sa kanyang karelasyon o kung kanino man ito nakikipagmabutihan.

Bunsod nito, naging trending topic sa Twitter ang “ghosting.”

ANGEL LOCSIN RESPONDS TO SAWSAWERA ACCUSATION

Sa tweet ni Paulo tungkol kay Bea at sa "ghosting," nag-react dito sina Angel at Loisa Andalio.

Sina Angel, Paulo, at Loisa ay co-stars sa The General’s Daughter.

Naging leading lady naman ni Paulo si Bea sa pelikulang Kasal (2018).

Continue reading below ↓

Kaugnay ng interaksiyon nina Paulo, Angel, at Loisa, may mga tagasuporta si Julia na pinulaan ang tatlo na nakikisawsaw at may kinakampihan umano.

Gumanti ang supporters ni Julia at naging personal ang patama sa tatlo: ang isyu ni Paulo sa dating nakarelasyong si LJ Reyes, ang kinasangkutang controversial video ni Loisa, at si Angel na isinangkot sa relasyon ng dating boyfriend na si Luis Manzano at girlfriend na si Jessy Mendiola.

Hindi na sumagot sina Paulo at Loisa sa pambabatikos ng netizens.

Isang netizen naman ang nag-tweet ng statement ni Maja Salvador na umiwas magkomento hinggil sa isyu.

Itinag naman ng isang netizen sina Angel at Loisa sa thread na may pagbanggit tungkol sa “sawsawero't sawsawera.”

Continue reading below ↓

Hindi pinalampas ni Angel ang akusasyong nakikisawsaw siya sa isyu.

Sagot ng aktres: "Hindi sa nagmamayabang, pero lampas na kasi ako sa stage ng career ko para sumawsaw. Ikaw ang disappointing."

Ang tweet ay may petsang July 26, 2019.

Continue reading below ↓

Sinagot din ni Angel ang isa pang netizen na inakusahan siyang “feeling entitled” sa pagbibigay ng opinyon kaugnay sa isyu.

Sagot ng aktres: “Daming opinyon teh? Saya ka dyan?ikaw na ang involved [clapping emojis]”

Ang tweet ay may petsang July 28, 2019.

Samantala, hindi na makikita ang dalawang tweets na ito ni Angel sa kanyang Twitter account.

Continue reading below ↓

GRETCHEN HO AND DJ CHACHA: PRO-BEA?

Kaugnay pa rin ng “ghosting” tweet ni Paulo, may dalawa pang celebrities ang nag-react at malinaw na sumusuporta kay Bea.

Tila may hugot ang Umagang Kay Ganda host na si Gretchen Ho sa kanyang tweet.

Ani Gretchen: “Sa totoo lang, mas gusto ng mga babae na sinasabi nang diretsahan. Bakit nga ba may walang tapang? #ghosting”

Continue reading below ↓

Sunud-sunod pa ang pagre-retweet ni Gretchen ng mensahe ng netizens na may kinalaman sa isyu ng ghosting.

May mga netizen na pumuna at bumatikos kay Gretchen sa kanyang tweet.

Pero hindi ito pinansin ng host at ni-retweet pa ang tweets na may kinalaman sa pang-iiwan sa karelasyon, gaya ng sinapit ni Bea.

Continue reading below ↓

Tahasan naman ang pagsang-ayon ng disc jockey na si DJ Chacha sa pagsuporta nina Angel at Angelica kay Bea.

Continue reading below ↓

May mga bumatikos din kay DJ Chacha, pero malaman ang kanyang sagot sa mga nagsabing nakikisawsaw siya sa isyu.

Tweet niya: “Besh, hindi ko ugaling mang-apak ng kapwa. Manakit ng kapwa.

"Yan ang mga totoong nakakarma. Yung mga ganong tao ang dapat matakot.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrities Angel Locsin (second from left), Gretchen Ho (second from right), and Paulo Avelino (extreme right) remain unfazed despite being accused by netizens of taking sides with Bea Alonzo (leftmost) in Bea-Gerald Anderson split.
PHOTO/S: @beaalonzo, @therealangellocsin, @gretchenho, and @pauavelino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results