Ryle Santiago says there was no ghosting in breakup with Barbie Imperial

by Jerry Olea
Jul 30, 2019
Ryle Santiago on possible reconciliation with Barbie Imperial: "Hindi ko sinasabing yes, hindi ko sinasabing no."
PHOTO/S: Jerry Olea / Glenn Regondola

Sa pagkakaalam ni Hashtag Ryle Santiago, 20, ay siya ang first showbiz boyfriend ni Barbie Imperial, 20.

May closure ang kanilang breakup. Walang ghosting. Civil sila sa isa’t isa.

“Kasi kailangan naman, yung endings, properly, you know?

"I don’t believe in leaving things as ganun lang,” pagkibit-balikat ni Ryle nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng Beautederm nitong Hulyo 28, Linggo, sa Seda Hotel, Vertis North, Quezon City.

“Kasi, pag iniwan mo nang ganoon lang, there’s gonna be longingness, parang laging may questions unanswered.

“So, siyempre, importante pa rin ang closure.”

Willing si Barbie na makatrabaho si Ryle.

“Willing na willing akong makatrabaho si Barbie,” sambit ng young actor-dancer.

“Kasi ano, e... magaling siyang artista, e.

"So, you know, just think of it as a professional way naman, and malay natin, di ba?” pilyong pagngiti ni Ryle.

Continue reading below ↓

Pero sabay bawi, “Hindi! Joke lang! Huwag na! Ha! Ha! Ha! Ha!”

May chance?

“Hindi natin masasabi. You know, minsan na niyang nahawakan ang puso ko... So, malay natin.”

SIX-MONTH RELATIONSHIP

Six months ang relasyon nila ni Barbie. Bakit hindi sila nagtagal?

“Marami kaming hindi napagkasunduan. Bata pa kami noon, e!

"So, ang dami naming hindi napagkasunduan.

“So, we decided na mature thing to do, na mag-split na lang.”

Pag nagkasama sila ni Barbie sa trabaho, posible kayang magkabalikan sila?

Mahiwaga ang ngiti ni Ryle, "Ahhm, hindi ko sinasabing yes, hindi ko sinasabing no. Ahhmm..."

Mahal pa ba niya si Barbie?

“Ahhmm... ahhmm... Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi naman! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Ano yun? Anong ibig ipahiwatig ng “hindi naman” na iyan?!

“Ahhm... OK lang kami. Basta, friends kami. Civil kami.

"Kaya ko namang kontrolin ang sarili ko, yung emotions ko, kung ano man ang mangyari!” maigting na lahad ni Ryle.

Continue reading below ↓

“Iyon na lang. Bahala na kung saan tayo dalhin ng tadhana!”

So, hindi niya isinasara ang puso niya para kay Barbie?

Natawa muli si Ryle, “Ahhmm, hindi ko isinasara, hindi ko rin ibinubukas.

"Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Leave it as is!"

Read Next
Read More Stories About
Ryle Santiago, Barbie Imperial
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryle Santiago on possible reconciliation with Barbie Imperial: "Hindi ko sinasabing yes, hindi ko sinasabing no."
PHOTO/S: Jerry Olea / Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results