Heart Evangelista reveals her parents have separated "a long time ago"

by Rachelle Siazon
Jul 30, 2019
Heart Evangelista admits her parents Rey and Cecile Ongpauco have separated "a long time ago."
PHOTO/S: @iamhearte Instagram

Kinumpirma ni Heart Evangelista na matagal nang hiwalay ang mga magulang niyang sina Rey at Cecile Ongpauco.

Ito ang rebelasyon ni Heart sa kanyang Instagram followers na matagal na raw napapansing madalas ay absent si Cecile sa get-togethers ng kanilang pamilya.

Tulad nitong magdiwang ng kaarawan ang ama ni Heart na si Rey.

Present sa okasyon ang mga kapatid ni Heart na sina Michelle at Camille, mister niyang si Chiz Escudero, at dalawang anak ng Sorsogon governor na sina Chesi at Joaquin.

Nang may netizen na nagtanong kung bakit wala si Mrs. Ongpauco, diretsahang sumagot si Heart.

Aniya, "they separated a long time ago."



Nag-sorry ang netizen kay Heart dahil sa pag-ungkat ng pinagdaanang family issue ng Kapuso actress.

Continue reading below ↓



Pero siniguro ni Heart na tanggap niya ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang.

"They are happier this way and we support that," dagdag ng aktres.

Continue reading below ↓


HEART, THE DADDY'S GIRL

Isang self-confessed "daddy's girl," ibinahagi rin ni Heart sa kanyang Instagram posts kung gaano niya kamahal at tinitingala ang ama.

Masaya ang Kapuso actress dahil sa nalampasan ni Mr. Ongpauco ang sakit nito kamakailan.

Ilang buwan sumailalim si Mr. Ongpauco sa "radiation therapy" hanggang sa natapos ito noong Mayo.

Continue reading below ↓

Bahagi ng mensahe ni Heart: "Dad, Happy Birthday.

"You went through so much this year and came out so, so strong.

"I couldn't be more proud of you. Here's to more years of health and happiness."

HEART'S LAST POST ABOUT MOM

Samantala, May 2017 nang huling mag-post si Heart ng litrato ng kanyang ina.

Sinabi noon ni Heart na marami man silang hindi pagkakasunduan ni Cecile, nagpasalamat siya sa mga bagay na natutunan niya mula rito.

Continue reading below ↓

"Thinking about everything my mom and I have been through bring up many raw emotions.

"But there are things that are for sure: Mom allowed me to explore and discover myself.

"Even when I made right or wrong decisions, she tirelessly kept an eye on me.

"Mom taught me to live everyday with a grateful heart, to be happy about the little as well as big things in life."

Continue reading below ↓

FAMILY PHOTO

Noong March 2017, nagbahagi pa si Heart ng throwback photo ng kanyang mga magulang.
Isa sa mga huling litrato na ibinahagi ni Heart na kasama niya ang kanyang ina at ama ay noon pang 30th birthday ng Kapuso actress.
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista admits her parents Rey and Cecile Ongpauco have separated "a long time ago."
PHOTO/S: @iamhearte Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results