Alden Richards touched by Daniel Padilla's effort to reach out to him

by Bernie V. Franco
Jul 30, 2019
Alden Richards (left) only has good words for Daniel Padilla (right), who went out of his way to reach out and congratulate the Kapuso actor for his movie with Kathryn Bernardo.
PHOTO/S: Noel Orsal / Grabbed from Magandang Buhay via YouTube

“That’s more than enough.”

Ito ang pahayag ni Alden Richards tungkol sa pagbisita sa kanya ni Daniel Padilla sa last shooting day ng Hello, Love, Goodbye.

Magkatambal sa pelikulang ito ng Star Cinema si Alden at ang girlfriend ni Daniel na si Kathryn Bernardo.

Sa episode ng Magandang Buhay ngayong July 30, Martes, kinumpirma ni Alden na nag-text siya kay Daniel nang simulan ang shooting ng Hello, Love, Goodbye.

Pero hindi siya nakatanggap ng sagot mula kay Daniel.

“Hindi po immediately,” pagkumpirma ni Alden.

Pero nauunawaan daw ng Eat Bulaga! host ang pinanggagalingan ni Daniel.

Saad niya, “Naiintindihan ko naman.

"Kasi, parang tama naman si DJ [palayaw ni Daniel] nung napanood ko po yung interview niya before.

“Siyempre, hindi naman po kami ganoon masyado magkakilala.

“Parang, ano nga naman ang isasagot niya doon sa message?”

Ikinuwento ni Daniel sa isang interview noong May 23, 2019 na nakatanggap siya ng text message mula kay Alden.

Continue reading below ↓

Iyon daw ang panahong sinisimulan na nina Alden at Kathryn ang shooting ng kanilang pelikula.

“Pero hindi lang ako nakapag-reply pa, at hindi pa kami nagkikita,” paliwanag ni Daniel sa interview.

Ibinunyag din ni Daniel ang rason kung bakit hindi siya nag-reply kay Alden.

“Isipin mo, ano ang ire-reply ko sa isang text na ganoon, hindi ba?”

Mas gusto raw ni Daniel na personal silang magkita ni Alden.

DANIEL VISITS ALDEN

Pinanindigan ni Daniel ang kanyang naging pahayag dahil sa huling shooting day nina Kathryn at Alden, dumalaw ang Kapamilya actor at personal na pinuntahan ang Kapuso actor sa tent nito.

Pagbabalik-tanaw ni Alden, “The good thing about that, nung last day po namin sa set, nagpunta si DJ sa tent ko with Kath.

"[Daniel] congratulated me personally.

“Parang sabi ko na, for him to consider making time para pumunta sa akin to congratulate me for the movie, okay na po ako doon.

Continue reading below ↓

“That’s more than enough.”

Inusisa si Alden kung ano ang sasabihin niya kay Daniel kung nabigyan sila ng pagkakataong magkita nang mas maaga, at hindi idinaan sa text message.

“Siyempre po magpapasalamat ako,” sagot niya.

“Yun po actually yung composition nung message… na nagpasalamat ako kasi pinayagan ni DJ si Kath na makatrabaho ako.

“Si Tita Karla [Estrada, ina ni Daniel] din minessage ko that time, na parang it’s a way [of showing] courtesy din, e.

“Parang pasintabi, kasi siyempre alam ko naman po for the longest time, si Kath and DJ magkasama.

“And parang bago ito sa kanila na mapi-pair up si Kath sa ibang partner."

Sabi pa ni Alden, “It’s really a way of being a gentleman to Kath and DJ in respect to their relationship.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards (left) only has good words for Daniel Padilla (right), who went out of his way to reach out and congratulate the Kapuso actor for his movie with Kathryn Bernardo.
PHOTO/S: Noel Orsal / Grabbed from Magandang Buhay via YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results