Raffy Tulfo denies P50M earnings from his YouTube channel

by Arniel C. Serato
Aug 1, 2019
Raffy Tulfo on alleged P50M earnings from his YouTube channel: "Malalayung-malayo po yun. Trust me. Kasi kung yun po ay may katotohanan, sana naka-drive na ako ngayon ng Rolls Royce."
PHOTO/S: Arniel Serato

Kamakailan ay pinag-usapan at trending topic sa YouTube ang pangalan ng TV5 broadcaster na si Raffy Tulfo at ang kanyang channel na Raffy Tulfo in Action.

Ayon kasi sa usap-usapan, umabot na raw sa P50 million ang kinita ni Raffy sa kanyang channel.

Marami raw kasing nanonood ng live broadcast ng kanyang programang Wanted sa Radyo ng Radyo Singko at Cignal TV.

Sa ngayon, mayroon nang 5.3 million subscribers ang YouTube channel ni Raffy.

Natawa naman ang beteranong radio at TV personality nang mausisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito.

"Nakakainsulto naman 'yan. Di pa ginawang P100 million!" biro ni Raffy.

Pero seryoso niyang dagdag, “Hindi, wala po yun, walang katotohanan po yun.

“Actually, napanood ko rin yun, estimate lamang po yun na puwedeng mangyari at puwede ring hindi mangyari.”

Ano ang masasabi ni Raffy na naging trending at instant star siya sa YouTube community?

“Yung sa trending, thank you.

Continue reading below ↓

“Yung sa income, baka mamaya habulin ako ng BIR.

“Malalayung-malayo po yun. Trust me.

“Kasi, kung yun po ay may katotohanan, sana naka-drive na ako ngayon ng Rolls Royce.”

Pero hindi naman itinanggi ni Raffy na kumikita talaga ang kanyang YouTube channel.

Saad nito, “Kahit papaano, pangtawid-gutom, puwede.

“Pangtulong paminsan-minsan sa mga nangangailangan, puwede.”

Nakausap ng PEP.ph at News5 reporter na si MJ Marfori si Raffy sa grand launch ng One PH, ang bagong all-Filipino news channel ng Cignal TV, kahapon, July 31.

PUBLIC SERVICE

Isa si Raffy Tulfo sa mga takbuhan ngayon ng mga Pilipinong nangangailangan ng tulong at parang naaapi sa lipunan.

Araw-araw, daan-daan ang pumipila sa kanilang action center sa loob ng TV5 Broadcast Complex sa Mandaluyong upang maisangguni ang mga hinaing nila sa buhay.

Ang ilan pa nga sa kanila ay nagmula pa Visayas at Mindanao, kaya naman ang iba ay natutulog na lamang minsan sa paligid ng istasyon.

Continue reading below ↓

Ayon kay Raffy, pinapakain nila ng kanyang staff ang mga nakakapasok sa line-up para isalang sa kanilang programang Wanted Sa Radyo at ang mga nasa pila ay binibigyan pa nila ng milk tea.

“Yes, paminsan-minsan. Yung mga nakakapasok, talagang pinapa-lunch ko.

“'Tapos, every now and then, pinapainom ko ng milk tea, pinapabigyan ko ng meryenda, so minsan-minsan yun.

“Pero yung mga nakakapasok at na-interview namin, automatic, free lunch sila.”

ONE PH PROGRAM LINE-UP

Sa launching kahapon, ibinahagi ng ilang news and entertainment personalities ng TV5 ang mga bagong programang aabangan sa One PH (Cignal TV Channel 6).

Si Raffy, bukod sa Wanted sa Radyo, ay pangungunahan din ang news at commentary program na One Balita kasama si Jamie Herrell.

Sina Cheryl Cosim at Jove Francisco naman ang magiging hosts ng primetime news na Sa Totoo Lang.

Gabi-gabi namang pag-uusapan sa Wag Po ang top daily headlines nina Ed Lingao, Patrick Paez, Lourd de Veyra, Melvyn Calderon, Manny Mogato, at Jove.

Continue reading below ↓

Para naman sa usaping pinansiyal, sina Chinkee Tan at Christine Bersola-Babao ang bahala sa inyo sa Mag-Badyet Tayo!

Ang millennial moms naman na sina Jennica Garcia at Pat Fernandez ay pangungunahan ang programa na Inay Ko Po!

Usaping batas naman ang hatid ni Atty. Ted Te sa Usapang Kapa-TED.

Tuloy pa rin ang arangkada ng showbiz balita sa Cristy Ferminute ni Cristy Fermin at sa bagong trio sa chika nila ni Manay Lolit Solis at Mr. Fu na Take It Per Minute.

Sports news naman ang hatid ni Zaldy Perez sa Isport Lang, motoring tips mula kay Mike Potenciano at Lindy Pellicer sa Turbo Time, at ang weekly motorcycle show ni Jay Taruc na Ride Radio.

May public service program din ang komedyanteng si Arnell Ignacio.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raffy Tulfo on alleged P50M earnings from his YouTube channel: "Malalayung-malayo po yun. Trust me. Kasi kung yun po ay may katotohanan, sana naka-drive na ako ngayon ng Rolls Royce."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results