PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vaness del Moral reveals greatest lesson she learned from acting coach Anthony Bova

Vaness del Moral sheds tears of joy during acting coach Anthony Bova mediacon
by Rommel Gonzales
Published Aug 1, 2019
Vaness del Moral to new StarStruck hopefuls: "Kung may chance silang mag-workshop, mag-workshop sila nang mag-workshop. Kasi sa panahon ngayon, hindi na lang looks ang hinahanap ng viewers, ng mga manonood..."
PHOTO/S: Courtesy of GMA Network

Umiyak at halos hindi makapagsalita si Vaness del Moral sa mediacon para sa international acting coach na si Anthony Bova nitong Hulyo 30, Martes, sa 17th floor ng GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.

Pangalawang workshop na ni Vaness ito kay Anthony ngayong 2019, kung saan si Ana Feleo ang facilitator.

“Kasi siyempre, thankful ako dahil naging part ng journey ko bilang isang artista si Anthony, si Ana,” paliwanag ni Vaness.

“Iba kasi yung experience nung workshop with Anthony dun sa naging workshops ko before na hindi si Anthony 'tsaka si Anna. Sobrang malaki yung difference.

“'Tapos iyon, sobrang… words cannot express how thankful I am so siguro, dahil hindi ko mahanap yung words na gusto kong sabihin, lumabas na lang siya sa emosyon.”

Tears of joy ang iniiyak ni Vaness sa presscon proper.

“Yes, of happiness, of appreciation.”

Wala raw siyang anumang malungkot na pinagdadaanan.

“Tears of joy, happiness, appreciation, pagiging thankful also, iyon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BOVA ACTING WORKSHOP

Ano ang natutunan ni Vaness sa Bova Acting Workshop?

“Ang greatest na natutunan ko kay Bova is never stop learning.

"Sabi niya sa amin is, something about... don’t settle for kung ano yung regular na nandiyan.

“Mag-step up ka. Don’t settle for the ordinary.

"Palagi kang mag-step up para habulin ka nung mga nasa ibaba mo, para maging pantay-pantay kayong lahat.

“Ganun! 'Tapos, be grounded. Na kailangan, kilala mo yung sarili mo, sa loob at labas.

"Kung ano yung ikaw para hindi ka malunod at mawala sa mundo.”

STARSTRUCK ALUMNA

Avenger si Vaness ng Season 3 ng StarStruck (2005), at dahil may ongoing season ang StarStruck, hiningan namin si Vaness ng payo para sa mga susunod na batch ng StarStruck Survivors & Avengers.

“Ah yun! Kung may chance silang mag-workshop, mag-workshop sila nang mag-workshop.

“Kasi sa panahon ngayon, hindi na lang looks ang hinahanap ng viewers, ng mga manonood.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ang hinahanap nila is talent, e.

“Kasi usually, lumalabas na sa netizens na, ‘Maganda nga, wala namang talent!’ Or, ‘Guwapo nga wala namang ganap!’

"Yung mga ganun.”

Si Jackie Rice at ang namayapang si Marky Cielo ang mga nanalo sa batch nina Vaness.

FAMILY LIFE

Natawa naman si Vaness nang tanungin kung kailan siya magbubuntis.

“Bukas!” at tumawa si Vaness.

Magdadalawang taon na siyang kasal sa kanyang non-showbiz husband na si Matt Kier; February 18, 2018 sila ikinasal.

Nakaplano na sa susunod na taon pa sila mag-aanak.

“One is to enjoy muna na kaming dalawa lang tapos build, build, build, build muna!

“Siyempre, career-wise yung sa akin, 'tapos yung sa kanya, business.

"Meron siyang meat business plus meron siyang regular job."

Nagtatrabaho sa isang petroleum company ang asawa ni Vaness.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vaness del Moral to new StarStruck hopefuls: "Kung may chance silang mag-workshop, mag-workshop sila nang mag-workshop. Kasi sa panahon ngayon, hindi na lang looks ang hinahanap ng viewers, ng mga manonood..."
PHOTO/S: Courtesy of GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results