PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrea Brillantes willing to be courted by Seth Fedelin

Is Andrea Brillantes the number one YouTuber among local celebrities?
by Rose Garcia
Published Aug 1, 2019
Andrea Brillantes says she is willing to be courted by Kadenang Ginto leading man Seth Fedelin.
PHOTO/S: Instagram

Nagte-trending at positibo ang pagtanggap sa love team nina Andrea Brillantes, 16, at Seth Fedelin, 17, sa Kapamilya teleseryeng Kadenang Ginto.

Tila may ibang glow si Andrea pagkabanggit pa lang sa pangalan ng ka-love team.

“Opo, happy,” sabi ng young actress nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan nang ilunsad siya bilang celebrity endorser ng Brilliant Skin Essentials.

Biniro tuloy si Andrea na iba ang ngiti niya at tila kilig na kilig siya.

“Hindi po, masaya lang po talaga ako,” sambit niya.

May “something” na ba sa kanila ni Seth?

“Ngayon po, mas kinikilala pa namin ang isa’t isa. Mas nagiging close.”

Hindi masagot ni Andrea nang diretso at idinadaan sa tawa na tila may kilig nang tanungin ito kung nililigawan na ba siya ni Seth.

OK ba sa kanya na ligawan siya nito?

Mabilis na “opo” ang sagot nito na tila nabigla sabay napaupo at natawa.

Teenager pa lang si Andrea, pero handa na siyang makipagrelasyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre ngayon po, mas nagpo-focus ako sa career ko and yung plan ko na magpatayo ng bahay, doon ako nagpo-focus.

“But since kasama ko rin po naman siya sa Kadenang Ginto...”

Viral ang memes ng karakter ni Dimples Romana sa teleserye nila bilang Daniela.

Mayroon namang bata na nagngangalang Marjorie na nag-i-impersonate kay Andrea, at nag-trending talaga.

“Actually, pinapanood ko siya araw-araw,” masayang sambit ni Andrea.

“Pinapanood ko siya sa eroplano. Dinownload ko yung video niya, 'tapos pinapanood ko siya kahit saan siya pumunta. Memorized ko na nga.”

Nagpa-sample pa si Andrea at ginaya ito. Na-meet na niya ang batang impersonator na si Marjorie.

SOCIAL MEDIA INFLUENCER

Sa edad na 16, maituturing na top social media influencer si Andrea.

Pahayag niya tungkol dito, “Siyempre, nakaka-pressure kasi open sa lahat ang post mo.

"Dapat dahan-dahan, mag-iisip kang mabuti kung makakatulong ba or makaka-cause ng gulo.

“Pero masaya rin, kasi nakikita mong lahat ang followers mo. Nakikita mong lahat ng nagmamahal sa ‘yo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natawa si Andrea nang diretsong tanungin kung yumaman na ba siya sa pagiging YouTuber.

Number one YouTuber daw siya sa local celebrities.

“Hindi ko kasi inaalam ang mga presyo,” nakangiting sabi niya.

“Bilang breadwinner, napi-pressure ako kapag alam ko ang price.

"Kapag alam ko ang dapat kong bayaran, yung mga ganun.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Brillantes says she is willing to be courted by Kadenang Ginto leading man Seth Fedelin.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results