Sugar Mercado denies she left Wowowin because of Hipon Girl

by Arniel C. Serato
Aug 2, 2019
Sugar Mercado (left) strongly denies rivalry between her and Herlene 'Hipon Girl' Budol (right) in Wowowin.
PHOTO/S: Arniel Serato / Instagram

Pagkatapos ng ilang taong pagiging co-host ni Willie Revillame sa Wowowin ng GMA-7, nagdesisyon si Sugar Mercado na lisanin ang programang nagbigay sa kanya ng malaking tulong.

Nagpaalam daw nang maayos si Sugar kay Willie at pinayagan naman siya nito.

Nag-alala pa nga raw ang host-producer para kay Sugar at sa dalawang anak nitong babae, edad 6 at 4.

Ito rin ang dahilan ni Sugar kung bakit siya umalis sa programa. Gusto raw kasi niyang matutukan ang pag-aalaga sa lumalaki na niyang mga anak.

Sa launching ng Ara Colours make-up line ni Ara Mina noong Miyerkules, July 31, nagpaunlak ng panayam si Sugar tungkol dito.

Saad niya, “Kasi siyempre yung kids ko, lumalaki na, 'tapos mas kailangan nila ako ngayon.

“'Tapos wala pa akong katuwang sa life.

"So, alam mo yun, parang yung oras ko, gusto ko munang ibigay sa kanila."

NOT BECAUSE OF HIPON GIRL

Pinabulaanan naman ni Sugar ang usap-usapang na-insecure daw siya kay Herlene "Hipon Girl" Budol kaya umalis siya sa Wowowin.

Continue reading below ↓

Pagtanggi niya, “Uy, hindi! Naabutan ko siya.

“Support ako sa kanya. Love ko yun.

“Alam mo naman ako... yung support sa mga baguhan.

“Tapos na ako sa era kong yun, Eat Bulaga! pa lang, alam mo yun.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Talagang ano na, narating ko na yung mga... alam mo yun, yung mga ganung pagkakataon.

“So, dapat yung iba naman, ibigay na natin sa kanila yun.”

Si Herlene ang bagong co-host ng Wowowin na kinagigiliwan ngayon ng loyal viewers ng programa dahil sa kakaiba nitong paghu-host.

Tungkol naman kay Willie, sabi ni Sugar, “Sobrang thankful kay Mr. Willie Revillame.

"Sobrang nagpapasalamat ako sa kanya kasi malaki ang naitulong niya sa akin at sa mga anak ko.

“Mahal na mahal ko yun.”

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sugar Mercado (left) strongly denies rivalry between her and Herlene 'Hipon Girl' Budol (right) in Wowowin.
PHOTO/S: Arniel Serato / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results