Has Gerald Anderson's Scout Ranger training toughened him against controversy?

by Rachelle Siazon
Aug 10, 2019
Moving on from controversies? Gerald Anderson posts pictures of his voluntary Scout Rangers training and shares the values he learned from his three-day experience.
PHOTO/S: @andersongeraldjr Instagram

Tila unti-unti nang nagmu-move on si Gerald Anderson sa kinasangkutang kontrobersiya sanhi ng hiwalayan nila ni Bea Alonzo at sa alegasyong nagkakamabutihan na sila ni Julia Barretto.

Sa kanyang Instagram post nitong Sabado, August 10, ibinahagi ni Gerald na natutunan niyang hindi magpatinag sa kahit na anong pagsubok matapos niya boluntaryong sumailalim sa Scout Rangers training.

Ang Scout Rangers ay bahagi ng Philippine Army Special Operations Command na hinahasa sa anti-guerilla jungle warfare at close-quarters combat.

Tatlong araw daw na sinubok hindi lang ang kanyang pisikal na lakas kundi pati kung paano siya mag-isip at kontrolin ang sarili.

Lahad ni Gerald (published as is):

"I have learned so much in just three days.. being the company commander taught me how to lead other people but most important how to lead myself and stay composed despite any situation ..

"Only 2 hours of sleep for 3 days .. more or less 10 seconds to eat your meal sometimes eating naka-dapa sa putikan ..

Continue reading below ↓

"That teaches you a lot .. patience, gratitude appreciation for even the small stuff .."

Hindi raw matatawaran ang baon niyang inspirasyon dahil sa karanasan niyang mag-training sa Scout Rangers.

"Being a Philippine Scout Ranger is being a real super hero .. i appreciate your sacrifices men .. Maraming Marami salamat .."

Nagbigay-pugay din si Gerald sa kanyang "classmates" na sumali sa training na sina Yves Flores, Nash Aguas, Elmo Magalona, Jerome Ponce, Ryan Jay Laurino, at Jumar Aniscal.

"I have so much respect for you gentlemen," dagdag ni Gerald na masaya sa samahan ng kanilang grupo.

View this post on Instagram

3 days of the hardest training i have undergone .. these pictures dont give justice to it .. we were pushed physically and mentally beyond our limits .. i have learned so much in just three days.. being the company commander taught me how to lead other people but most important how to lead myself and stay composed despite any situation .. only 2 hours of sleep for 3 days .. more or less 10 seconds to eat your meal sometimes eating naka-dapa sa putikan .. that teaches you a lot .. patience,gratitude appreciation for even the small stuff .. Being a Philippine Scout Ranger is being a real super hero .. i appreciate your sacrifices men .. Maraming Marami salamat .. And to my Classmates @yvesfloreszeroseven @zackwey @elmomagalona @mrjeromeponce @ry4nj4y @jumaraniscal #anakngsultan the first class of the Soldiers Skillz Orientaion Training .. i have so much respect for you gentlemen .. ???????? Rangers!!! .. 10 counts!!.. 1 2 3 tion!!..

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr) on

GERALD, BEA BREAKUP

Dalawang linggo na ang lumipas mula nang unang pumutok sa social media ang malalamang pahiwatig ni Bea tungkol sa masalimuot na hiwalayan nila ni Gerald.

July 26 nang pakawalan ni Bea ang impormasyong bigla na lang umano siyang hindi kinausap ni Gerald hanggang sa nauwi ito sa hiwalayang walang closure.

Continue reading below ↓

Dahil dito ay mainit na pinag-usapan sa mainstream media at kahit sa social media kung ano ang dahilan ng breakup nila.

Tila ito rin ang dahilan kung bakit hindi na nakasama pa si Gerald sa grupo ng Kapamilya stars na nag-show para sa ASAP Natin 'To, sa San Jose California, noong August 3.

August 5 nang sa wakas ay nakapanayam si Gerald ng ABS-CBN News tungkol sa isyu.

Depensa ni Gerald, sinubukan niyang mag-reach out kay Bea noong "lumabas na at medyo lumaki na" ang isyu.

Hindi man daw siya sinagot ni Bea, nirerespeto raw ng aktor ang desisyong iyon ng ex-girlfriend.

Base ito sa eksklusibong panayam kay Gerald ng ABS-CBN News noong August 5.

GERALD APPEALS FOR RESPECT

Sa huli, sinabi ni Gerald na nais na niyang mag-move on.

Sana raw ay tigilan na ng ibang taong gawing katatawanan ang buhay ng lahat ng nasangkot sa kontrobersiya.

Apela niya, "Konting respeto lang."

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Moving on from controversies? Gerald Anderson posts pictures of his voluntary Scout Rangers training and shares the values he learned from his three-day experience.
PHOTO/S: @andersongeraldjr Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results