"Creepy," ang deskripsyon ng maraming netizens sa ipinakitang karakter ni Judy Ann Santos sa Ang Probinsyano kunsaan may kakaibang mental illness ang ginagampanang papel ng aktres.
Mahusay namang naitatawid ni Juday ang karakter kung saan isa siyang serial killer na may split personality disorder at pinaghahanap ng awtoridad.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa Kapamilya actress sa nakaraang Champion press launch na ginaanap sa Makati Diamond Residences, ibinahagi ni Judy Ann ang rason kung bakit niya tinanggap ang role.
Saad niya, "Lahat ng challenges nasa role na yun.
"Well, creepy talaga sa simula.
"Hindi pa naman masyadong challenge. It's something that I haven't done in my 32 years in the industry.
"At saka parang gusto mo lang ng bago, gusto mo lang din malaman kung hanggang saan mo kayang i-push yung talent mo or yung skills mo bilang artista.
"I enjoyed it, though it's so hard.
"I like how Coco listens to my suggestions. I like that it's a give and take relationship.
"With Ang Probinsyano, one main reason I accepted the role is for mental health awareness.
"It's something na di masyadong kinikilala ng lahat.
"Gusto ko sanang mas mapagtuunan ng pansin na ang mental health issues are di pare-pareho.
"May iba-iba siyang classification and this is one of them.
"Basically, it's just me saying na wag nating i-judge ang mga taong may pinagdadaanan.
"Wag niyo nang dagdagan pa ang mga pinagdadaanan nila.
"If we could help, if we can support them in whatever support they need, we have to give it to them.
INTERNALIZING HER ROLE
Kinuwento din ni Juday kung anu-ano ang ginawa niyang paghahanda para sa role.
Sabi niya, "Nag-research ako. I had to watch a lot of documentaries about it because we don't want to give false information to the people.
"What they see in Probinsyano, it's something that we all work so hard in researching this type of disorder.
"At the same time, it's very complicated kasi masyadong medical yung pinag-uusapan.
"Since it's mental awareness, we don't want them to see na ginawa lang yung characters just because, period.
"May ganun talagang klaseng illness."
HATS OFF TO COCO
Pinuri din ng Kapamilya actress si Coco Martin bilang bida ng nangungunang primetime series.
Pagpuri niya, "He's very responsible, he's the captain of the ship.
"He knows what he wants, that's for sure. And at the same time, he delivers his message sa paraang maiintindihan ng mga tao.
"Maybe at some point, may mga taong di nakakaintindi or nami-misinterpret siya, but if you see and look through his eyes kung ano yung gusto niya para sa programa...
"Basically, yun ang gusto niya para sa lahat ng nagtatrabaho behind Ang Probinsyano and I salute every single person behind this series.
"You know how hard they work, you see it in their eyes how much they respect each other.
"Though it's a very different system, it's something na you have to get used to."
LONG-DELAYED COMEBACK SERYE
Kinumusta din namin ang seryeng Starla na magsisilbi sanang comeback teleserye ni Juday bilang bida.
"Okay naman, nandiyan pa rin siya.
"Hopefully, this year. From what I've heard, baka mga September.
"Sabi naman nila this year, so baka September this year, pero di muna ako mangangako sa part na yan.
"Baka ma-push back pa yan ng October or November, December, January, February.
"Mapapalabas din yan sa awa ng Diyos," dasal niya.
MOVIE PROJECTS
Sa usapang pelikula naman ay may isang project nang nagawa si Juday na hinahanapan na lang ng playdate.
Pahayag niya, "I have a movie with Direk Brillante [Mendoza].
"Alam kong pinapasok niya sa MMFF.
"We just received a message from Direk Brillante na may ibang activities ang movie namin na Mindanao.
"Hopefully by next year, tatapusin ko lang itong mga ganap sa telebisyon and hihimatayin na ako sa pagod pagka nagpelikula pa ako this year, so one at time.
"Yun naman yung ano ko sa mga producers... I can do projects, but I cannot two things at the same time. Di ko sila magagawa."
JUDAY-PIOLO MOVIE SOON?
Marami pa rin ang naghihintay kung kailan gagawa ng follow-up movie sina Judy Ann at Piolo Pascual.
Inamin naman ng aktres na siya ang mapili sa magiging balik-tambalan nila.
Pag-amin niya, "Lagi namang tinatanong yan sa bawat presscon naman.
"Gaya ng sinabi ko, wala namang imposible.
"With the right project at the right time, it will always happen.
"It's just that wala akong mapusuang script.
"Offers? Marami, maraming-marami.
"Di nawawala ang offer, and that I can say for sure.
"If I see a project na para sa amin ni Piolo, sasabihin ko naman, e.
"It's just that it's been too long and we don't want to present a movie na basta na lang, basta lang magkaroon ng Juday-Piolo na project.
"Habang tumatagal, siyempre mas nagiging critical, kasi mas gusto ko na mas maayos ang takbo ng istorya.
"It should be worth the wait.
"Habang di pa kami gumagawa ng project, wala pa akong nagugustuhan na istorya.
"Actually, ako ang dahilan, kasi ako ang namimili ng project talaga."
JUDAY AS MOVIE PRODUCER?
Tinanong din si Juday kung may balak siyang mag-produce uli ng peikula lalo't marami sa mga artista ngayon ang pinasok na rin ang pagpu-produce ng pelikula.
Lahad niya, "Pag siguro tapos na mag-aral ang mga anak namin.
"Di ko masabi, di ako makapagsalita nang 'tapos because anything really is possible.
"Puwedeng co-prod, pero yung solo na producing talaga, parang naghanap lang ako ng sakit ng ulo.
"Pupukpukin ko na lang ang ulo ko ng martilyo, okay pa, di ba?
"Mahirap mag-produce, e. Ayokong may makaaway.
"Aarte na lang ako para sa ibang producers.
"Kung magpu-produce ako, siguro mga documentaries about food, probably like that lang, mga small projects lang.
"It's not gonna happen in major films. An indie film at the most. Little shows lang siguro."