Celebrities, politicians condemn detention of transgender woman who was disallowed from CR for females

by Jojo Gabinete
Aug 14, 2019
Nakatikim ng masasakit na salita at panlalait ang transgender woman na si Gretchen Custodio Diez matapos pagbawalan ng janitress ng isang mall na gumamit ng CR para sa mga babae.
PHOTO/S: Facebook

Sina Heart Evangelista, KaladKaren, at Quezon City Mayor Joy Belmonte ang ilan sa mga kilalang personalidad na nagbigay ng reaksiyon tungkol sa kaso ni Gretchen Custodio Diez.

Si Diez ang transgender woman na pinagbawalan ng janitress ng isang mall sa Cubao, Quezon City, na gumamit ng comfort room para sa mga babae at sinabihan siyang gamitin ang restroom para sa mga kalalakihan.

Palayo na si Diez nang ma-realize nitong may dapat siyang gawing aksiyon sa diskriminasyong natikman kaya binalikan niya ang janitress at tinanong kung bakit hindi siya puwedeng gumamit ng women’s restroom.

Iyon ang pinag-ugatan ng pagtatalo nila.

Nagalit ang janitress dahil ginamit ni Diez ang cellphone camera nito para i-Facebook Live video ang kumprontasyon nila.

Sinabi ni Diez na para siyang shoplifter na kinaladkad ng janitress patungo sa administration office ng mall.

Dito siya nakaranas ng karagdagang panghihiya dahil nagalit ang staff members sa live recording niya sa mga pangyayari.

Continue reading below ↓

Isang lady guard ang naglagay ng posas kay Diez bago siya dinala—una sa Station 7 ng Quezon City Police District at sumunod, sa Camp Karingal.

Mapapanood sa video ni Diez ang masasakit na salita, tatlong beses na pagtampal sa kanya ng janitress at ang tangka nitong pag-agaw sa cellphone na hawak.

"May uten ka pa rin, tandaan mo ‘yan!

"Bakit mo ako bini-videohan? Anong papel mo? Para sumikat ka?

"Hoy, hindi ka artistahin! Hindi ka maganda para maging sikat ka.

"Hay, sisikat siya. Ang ganda niya! I-like niyo, i-share niyo para sumikat ang baklang ‘to!” ang ilan sa mga pang-aalipusta ng janitress kay Diez.

Kasunod nito ang bantang sisirain niya ang cellphone na dinakip na transwoman.

Continue reading below ↓

Ito ang nakapagpainit sa ulo ni Heart Evangelista at ng mga nakapanood sa video.

"Umiinit dugo ko sa ganito. So painful to see this," reaksiyon ng aktres tungkol sa karanasan ni Diez na nangyari kahapon, August 13, 2019.

"#GUSTOLANGNAMINUMIHI" naman ang hashtag ni Kaladkaren para sa insidente na kinokondena niya.

GENDER FAIR ORDINANCE

Sinusubaybayan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kaso ni Diez na pumukaw sa interes ng lahat, hindi lamang ng mga miyembro ng LGBTQ community.

Pahayag ni Mayor Belmonte sa kanyang official Facebook page:

"Nakatutok ako sa kaso ni Gretchen Custodio Diez, isang transwoman, na umano’y sapilitang pinalabas sa isang comfort room para sa mga babae ng Farmers Plaza at dinala sa QC Police District 7.

"We condemn this kind of discrimination towards members of the LGBT+ community.

"Ang Quezon City ay ang unang lungsod na may Gender Fair Ordinance upang protektahan ang karapatan ng mga miyembro ng LGBT+.

Continue reading below ↓

"Sa batas na ito, ipinagbabawal ng lungsod ang lahat ng uri ng diskriminasyon, at binibigyan ng proteksyon at paggalang ang dignidad at karapatang-pantao ng lahat, lalung-lalo na ang LGBT+.

"Malinaw na hindi sumusunod ang Farmers Mall sa nasabing ordinansa kung saan lahat ng government offices, private, at commercial establishments ay dapat magtalaga ng 'All-Gender Toilets' para sa lahat (Section 5: Affirmative Acts, 1 Affirmative Acts in Employment, Part D).

"Ipinag-utos ko sa Business Permit and Licensing Department (BPLD) na siguraduhin na susunod, sa lalong madaling panahon, ang lahat ng business establishments sa ating Gender Fair Ordinance.

"We assure the members of the LGBT+ community that Quezon City will always protect their rights and be a home for their sexual orientation, gender identity, and expression.

"We do not support any kind of violence and discrimination in our city.

"Sa ating LGBT+ community, protektado ang karapatan ninyo sa QC."

Continue reading below ↓

JANITRESS APOLOGIZES TO DIEZ

Mabilis na umingay ang kasong kinasasangkutan ni Diez kaya nakarating ito sa mga mambabatas na tumulong sa kanya para makalabas siya mula sa Camp Karingal.

Bago sumapit ang hatinggabi, nagdesisyon ang mall administration officers na iatras ang kanilang unjust vexation complaint laban kay Diez.

Humingi na rin ng paumanhin kay Diez ang janitress, na matapang na matapang habang nasa administration office sila pero nahimatay habang nasa police station nang mapagtanto niyang naging isang malaking isyu na ang kanyang pagbabawal sa transgender woman na gamitin ang women’s comfort room.

Continue reading below ↓

Sa apology letter ng janitress kay Diez, nangako itong pag-aaralan ang mga karapatan ng LGBTQ community.

Dahil sa insidente, muling sumiklab at uminit ang diskusyon tungkol sa paggamit ng LGBTQ+ Community members ng restroom para sa mga kababaihan at kalalakihan, pati na ng pagkakaroon ng pangatlong comfort room sa mga establishment para sa transgender people.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakatikim ng masasakit na salita at panlalait ang transgender woman na si Gretchen Custodio Diez matapos pagbawalan ng janitress ng isang mall na gumamit ng CR para sa mga babae.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results