Sharon Cuneta slams false rumors about daughter KC Concepcion being pregnant

by Rachelle Siazon
Aug 15, 2019
Seen in the right photo is a cropped shot of Sharon Cuneta and her eldest daughter KC Concepcion taken at the recent photo shoot of the Megastar's family.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta Instagram

Umalma si Sharon Cuneta sa netizens na nagpapakalat ng maling impormasyong buntis ang panganay niyang anak na si KC Concepcion.

Kaugnay ito ng ibinahaging family picture ni Sharon sa kanyang Instagram noong August 7.

Makikita sa mga litrato ang mag-asawang Sharon at Senator Francis "Kiko" Pangilinan, pati na rin ang mga anak nilang sina Frankie at Miel.

Si KC ay anak ni Sharon sa unang asawa niyang si Gabby Concepcion. Pero kinilala rin si KC bilang adoptive daughter ni Senator Kiko.

Continue reading below ↓

Buwelta ni Sharon sa mga bumabatikos kay KC:

"No, for those who so maliciously and cattily commented here, KC is NOT pregnant. Never been."

May isang netizen ang pilit na nagsasabing wala raw dudang buntis si KC.

Continue reading below ↓

Pero sagot ulit ni Sharon: "Start doubting."

Noong August 8, sa pamamagitan ng Instagram Stories, umapela rin si KC na sana ay tantanan na siyang ng wala-raw-katotohanang intriga na siya ay buntis.

Sabi pa ng dalaga, mula pa noong siya ay nasa kolehiyo hanggang ngayong 34 years old na siya ay ganoon pa rin ang inuugnay na isyu sa kanya.

Continue reading below ↓

Sa huli, nag-post si KC ng pahayag na "nagpapapayat" na siya para hindi na siya "mapagkamalan" na buntis.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Seen in the right photo is a cropped shot of Sharon Cuneta and her eldest daughter KC Concepcion taken at the recent photo shoot of the Megastar's family.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results