Fashion designer Eddie Baddeo dies at 57

by Jet Hitosis
Aug 16, 2019
Top fashion designer Eddie Baddeo passes away this Friday morning, August 16, after almost three years of colorectal cancer treatment. He was 57 years old.
PHOTO/S: Facebook

Pumanaw na ngayong Biyernes, August 16, 2019 ang sikat na fashion designer na si Eddie Baddeo.

Siya ay 57 taong gulang.

June 2016 nang ma-diagnose siyang may stage 2 colorectal cancer.

Bukod dito, may iniinda ring hypothyroid condition ang couturier na kilala sa kanyang avant-garde style.

Sa panayam sa kanya ng Lifestyle.Inq noong November 2016, nagkuwento si Eddie tungkol sa pagkakatuklas niya sa kanyang sakit.

“It took me a while to process everything.

“Then, I cried and cried.

"I cried so hard and just said to God, ‘Extend.’”

Aniya, nakadama siya ng takot na mamatay.

Ito ay kahit pa inamin din niyang ilang beses siyang nagtangkang mag-suicide noon dahil sa depression.

“I offer everything to God—all my pains and sufferings,” sinabi ni Eddie sa kasagsagan ng kanyang gamutan sa cancer.

“Whenever I feel low and in pain, I just lift up everything to Him.

“I surrender myself to him.”

Sa nasabing interview, sinabi ni Eddie na binago ng cancer ang pananaw niya sa buhay, at naging mas malapit siya sa Diyos, at maging sa mga mahal niya sa buhay.

Continue reading below ↓

Sabi ni Eddie tungkol sa cancer, “You have to accept your fate.

“I’m done with depression and loneliness.

“I’m happy now because I know I’m closer to God than ever.”

Dekada '80 nang magsimula ang career ni Eddie sa fashion design, at naging stylist ng napakaraming celebrities.

Continue reading below ↓

Huli siyang nakibahagi sa Annual Best-Dressed Women of the Philippines Awards Ball ng Philippine Cancer Society noong 2018, ayon sa ulat ng Manila Bulletin Lifestyle.

Ipagdiriwang sana ni Eddie ang ika-33 taon niya sa industriya sa susunod na buwan.

Nakatakda ang launching ng coffee table book ni Eddie sa fashion show na “Obra Maestra” sa September 13 at 14, 2019 sa Cultural Center of the Philippines sa Pasay City.

Continue reading below ↓

Naulila ni Eddie ang partner niyang si Edgar Medina, at ang kanyang mga kapatid.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Top fashion designer Eddie Baddeo passes away this Friday morning, August 16, after almost three years of colorectal cancer treatment. He was 57 years old.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results