Morissette Amon's father accuses singer of choosing boyfriend over family

by Rachelle Siazon
Aug 16, 2019
The father of Morissette Amon blasts on Twitter the allegedly disrespectful boyfriend of the Kapamilya singer. Is Morissette's father pertaining to Dave Lamar (right)?
PHOTO/S: @itsmorissette / @danica via @davejlamar Instagram

Nagpakawala ng maiinit na tweets ang ama ni Morissette Amon na si Amay Amon dahil umano sa pag-iwan ng Kapamilya singer sa sariling pamilya upang sumama sa kanyang boyfriend.

Si Morissette ay isang singer at dating finalist sa ABS-CBN reality show na The Voice of The Philippines Season 1.

Lumalabas na ilang buwan nang panay ang tweet ni Amay tungkol sa hidwaan nilang mag-ama at pag-alis ni Morissette sa poder niya.

Noong July 24, 2019 ay nag-tweet si Amay (@Amay_Amon):

"Question: What's the Tagalog term for elope?"

Isa pang tweet nito noong July 25:

"Google translated as lumayo.

"What if hindi lumayo? Live-in ba tawag dun?

"Or what if like 2 nights lang? Sleepover? Vacation?"

Kapansin-pansin ding ibinahagi ni Amay ang screenshot ng Instagram post ng singer na si Dave Lamar, na base sa tweets ni Amay ay siyang karelasyon umano ni Morissette.

Si Dave ay dati ring contestant ng The Voice of The Philippines Season 1.

Continue reading below ↓

Kuha ang larawan ni Dave sa Temple of Leah, isang tourist destination sa Cebu.

Dito ay tila nagpahaging si Amay na si Morissette ang "ka-date" ni Dave doon.

Tweet ni Amay: "If you're a tourist in Cebu, you can visit Temple of Leah, a temple by the Adarna family.

"Maybe strike a pose like this if you think it's cool.

"You have to bring along your date though to snap the moment."

Continue reading below ↓

Narito ang kabuuan ng screenshot ng Instagram post ni Dave na ni-retweet ng ama ni Morissette:

Nitong August 5, ni-retweet din ng ama ng singer ang komento ng isang netizen hinggil sa pahaging ni Amay na wala na sa poder niya si Morissette.

Ito ang komento ng netizen na tila sinang-ayunan ni Amay:

Continue reading below ↓

"Letting your family off just because of a dream and a guy? NO.

"Hindi naman nagkakaubusan ng pangarap at tamang taong mahalin.

"And the right person will never Break your family just to have you."

MORISSETTE'S FATHER VS. ALLEGED DISRESPECTFUL GUY

Masalimuot ang hugot ng ama ni Morissette.

Continue reading below ↓

As early as February 2019, sunud-sunod ang malamang pahayag ni Amay Amon tungkol sa di pinangalanang lalaki na diumano'y sinulsulan ang anak niyang si Morissette na umalis na sa poder niya.

Isa pa sa tweets noon ni Amay, published as is: "This guy dared asked me: 'So, if your daughter listens to you, would it be fine for you to be hated by her for the rest of your life?'

Continue reading below ↓

"I mean, who do this guy think he is?"

Hindi binanggit ng ama ni Morissette kung sinong lalaki ang tinutukoy niya.

Pero sa palitan niya ng tweets sa netizens, usap-usapan na karelasyon umano ni Morissette ang tinutukoy ni Amay.

Halos isang buwan ang lumipas, o noong March 21, nakipagsagutan naman si Amay sa isang anonymous netizen na may Twitter handle na @faceoffnameoff.

Continue reading below ↓

Kinastigo ni Amay ang netizen na hinihinala raw niyang boyfriend ni Morissette na nagtatago sa isang anonymous Twitter account.

"Because it's a no brainer guys like you who tolerate your GF to do things disrespecting her parents clearly isn't in my standards.

Balik-sagot ng anonymous netizen, hindi tama na ayawan ni Amay kung sinuman ang nobyo ni Morissette dahil lang hindi ito pasok sa "standards" ng gusto nitong makarelasyon ng anak.

Dagdag ng anonymous user, "Respect begets respect. Prejudice wont get respect."

Continue reading below ↓

Tila galit pa ring pahayag ni Amay, bilang ama ay hindi niya kukunsintihin ang pagsira ng umano'y boyfriend ni Morissette sa relasyon nilang mag-ama.

"Why don't you use your real account? Not man enough? And you call yourself having good intentions with my daughter?"

Continue reading below ↓

Hindi roon nagtapos ang gusot sangkot si Morissette Amon at kapwa-singer na si Dave Lamar.

June 11 nang magpahaging ulit si Amay tungkol sa pagkawala ng anak sa kanyang poder.

DAVE LAMAR: NO ANONYMOUS TWITTER ACCOUNT

Kinalaunan, lumabas sa usap-usapan ng ilang netizens na si Dave nga ang hinihinalang pinariringgan ng ama ni Morissette sa social media.

Continue reading below ↓

June 22, 2019 nang mag-tweet si Dave tungkol sa di pinangalanang tao na gumagawa ng "fake account" para lang mam-bash umano sa social media.

Si Dave ay may Twitter handle na @DaveJLamar.

"Imagine creating a fake account just so you can troll and bash someone? I guess that’s the only way some people can feel strong."

Kasunod nito, isang netizen ang diretsahang nagtanong kay Dave kung siya ba ang anonymous netizen, na si @nofacenoname, na nakasagutan ng ama ni Morissette noong March.

Continue reading below ↓

Paliwanag pa ni Dave, wala siyang kinalaman sa kung sinuman ang may gawa ng Twitter handle na @faceoffnameoff.

Diin ni Dave, "That’s legit not me.

"I have only ever had one twitter account my whole life. This one.

"Di ko talaga Alam kung Sino yan."

May ilan pang netizens na kampi sa ama ni Morissette ang bumatikos kay Dave.

Continue reading below ↓

Isa sa mga ito ay nagsabing dapat daw ay kausapin ni Dave ang ama ni Morissette upang maayos ang gusot sa kanila.

Hindi sinagot ni Dave ang tungkol sa isyu sangkot ang ama ni Morissette.

Ang tanging nilinaw niya ay hindi siya ang tipo na mag-aaksaya ng oras sa paggawa ng fake account.

Continue reading below ↓

Sa huli, tinawanan ni Dave ang isang netizen na may Twitter handle na @ImDavidLamar, na sumingit sa usapan ni Dave at ng ilang netizens sa Twitter.

Sabi ni @ImDavidLamar kay Dave, "Do you need me to destroy somebody on social media for you?"

Tatlong laughing with tears emojis ang tanging reply ni Dave kay @ImDavidLamar.

Continue reading below ↓

MORISSETTE AND DAVE SIGHTING

Hanggang sa noong July 16, 2019, isang netizen ang nagparating kay Amay ng tweet exchange ni Dave sa Twitter user na si @ImDavidLamar.

Ni-retweet ni Amay ang screenshot ng laughing emojis ni Dave, kalakip ang pahayag na "Lo and behold... the smiles of the righteous..."

Kasabay nito ay muling nasundan ang mga hinaing ng ama ni Morissette.

Continue reading below ↓

June 17, 2019 nang i-post ni Amay sa Twitter ang group photo nina Morissette at Dave, na kuha sa party ng Stages, ang talent management na kinabibilangan ni Morissette.

Si Dave ay isa ring singer mula naman sa Cornerstone Talent Management.

Kaugnay nito, tweet ni Amay, "Huwag kayo. He's a great guy.

Continue reading below ↓

"Sya lang ang Cornerstone person na nakaka-pasok ng Exclusive Stages party.... no wait... baka naman lucky subscriber..."

Hanggang sa nasundan nga ito ng matalinhagang tweet ni Amay na tila tumutukoy sa isang taong nakipagtanan.

PAOLO VALENCIANO APPEALS TO MORISSETTE'S FATHER

Dahil sa isyu, nitong Biyernes, August 16, nag-send ng magkakasunod na tweets si Paolo Valenciano sa ama ni Morisette na si Amay Amon.

Continue reading below ↓

Bilang kasamahan ni Morissette sa industriya, umapela si Paolo na sana raw ay huwag nang idaan ni Amay sa social media kung anuman ang alitan nila ng Kapamilya singer.

Paalala ni Paolo, kahit anong lalim ng sugat na dala ng alitan ng mag-amang Amay at Morissette ay hindi maaalis na magkapamilya pa rin ang mga ito.

Continue reading below ↓

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag sina Morissette at Dave hinggil sa mga pinakawalang pahayag ng ama ng Kapamilya singer sa Twitter.

Ngunit wala pang sagot ang dalawa habang isinusulat ang artikulong ito.

Liban dito, may ganitong tweets si Dave ngayong araw:

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The father of Morissette Amon blasts on Twitter the allegedly disrespectful boyfriend of the Kapamilya singer. Is Morissette's father pertaining to Dave Lamar (right)?
PHOTO/S: @itsmorissette / @danica via @davejlamar Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results