Vice Ganda accused of giving more exposure to Ion Perez over Jackie Gonzaga

by Bernie V. Franco
Aug 16, 2019
It's Showtime host Vice Ganda (center) is accused by netizens of giving more exposure to rumored boyfriend Ion Perez (left) than Jackie Gonzaga (right).
PHOTO/S: Ion Perez Facebook / @praybeytbenjamin and @jackiegirlg on Instagram

Hindi napigilan ni Vice Ganda na mag-react matapos siyang sisihin ng fans ni Jackie Gonzaga dahil sa kakulangan daw nito ng “exposure” sa episode ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime ngayong Biyernes, August 16.

Si Jackie, kilala rin sa tawag na "Ate Girl," ay regular dancer sa noontime show at unti-unti nang nakikilala dahil sa pagbibigay sa kanya ng exposure ni Vice.

Pero may ilang fans na nadismaya dahil nasayang daw ang magandang damit ni Jackie sa unang araw ng pinakabagong segment ng It's Showtime, ang "Mr. Q and A," ngayong araw.

Lumalabas na ang bagong segment ay male version ng "Miss Q and A," ang kilalang kumpetisyon na tagisan ng isip para sa gays at transgenders.

Si Jackie ang tagahawak ng fish bowl na naglalaman ng mga tanong sa "Miss Q and A," habang si Ion Perez, o Kuya Escort, ang usher ng contestants.

Sa unang episode ng "Mr. Q and A" kanina, nagpalit ng roles sina Ion at Jackie.

Continue reading below ↓

Si Ion ang tagahawak ng fish bowl habang si Jackie, na nakasuot ng pink gown, ang nagsilbing usherette ng contestants.

VICE BLAMED FOR JACKIE’S MINIMAL EXPOSURE

Bunsod nito, ilang fans na nagkomento sa Twitter ang sinisisi si Vice sa kakulangan ng exposure ni Jackie.

Tweet ng isang supporter ni Jackie: “Sayang lang ng mga magandang outfits ni ate girl Jackie kung taga HATID SUNDO lang sya ng candidates [sad emoji]”

May nagsabi ring hindi patas ang exposure nina Jackie at Ion.

May isang netizen pa ang nagsabing mas matimbang daw si “boyfie,” na ang tinutukoy ay si Ion, na nali-link kay Vice.

Narito ang ilan sa mga komento:

Continue reading below ↓

VICE SLAMS CRITICS

Hindi naman pinalampas ni Vice ang paratang sa kanya ng ilang netizens.

Halatang hindi nagustuhan ng It's Showtime main host ang akusasyon sa kanya.

Sabi ni Vice sa kanyang tweet: “Yan ang hirap sa inyo! Binigyan na nga ng exposure ung idolo nyo di pa kayo makuntento!

"Aba baka sa sususnod iutos nyo ng sya ang gawing main host! Abusado!!!"

Continue reading below ↓

Sinita pa ni Vice ang isang “fake fan” dahil sa tweet nitong nadismaya siya sa less exposure ni Jackie nitong Biyernes.

Nasanay raw ang netizen na si Jackie ang tagahawak ng fish bowl.

Hinimok naman ni Vice ang totoong supporters niya, ang Little Ponies, na huwag magpasimula ng away sa social media.

Continue reading below ↓

“Sa mga fans (?) ko na nagpapalaganap ng negativity sa twitter utang na loob wag nyong gamitin ang larawan ko sa profile pic o header nyo!!! Wala akong fans na nega! My LITTLE PONIES are fun and kind!!!”

Continue reading below ↓

Sunud-sunod naman ang tweet ng supporters ni Vice na dinipensahan siya.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's Showtime host Vice Ganda (center) is accused by netizens of giving more exposure to rumored boyfriend Ion Perez (left) than Jackie Gonzaga (right).
PHOTO/S: Ion Perez Facebook / @praybeytbenjamin and @jackiegirlg on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results