Vice Ganda calls out government to create public restrooms for LGBT community

by Bernie V. Franco
Aug 17, 2019
Vice Ganda appeals to government to create separate public restrooms designated for members of the LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) community.
PHOTO/S: It's Showtime from YouTube

“Nananawagan ako sa gobyerno, create a safe place for everyone.

“If men feel that they are unsafe, if women feel unsafe, and LGBT feel unsafe, then create a safe place for everyone.”

Bahagi ito ng panawagan ni Vice Ganda sa pamahalaan hinggil sa usapin ng pagtatayo ng hiwalay na public restrooms para sa mga miyembro ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) community.

Ipinahayag ni Vice ang kanyang opinyon sa episode ng ABS-CBN noon-time show na It’s Showtime nitong August 16, Biyernes.

Kaugnay ito ng nangyaring pagposas at pag-aresto sa transgender woman na si Gretchen Diez, matapos siyang sitahin ng isang janitress sa kagustuhang gumamit ni Gretchen ng restroom na pambabae sa mall.

Binanggit pa ni Vice na “malaking isyu” ang pagsi-C.R.

Paliwanag pa ng comedian-host, noong una ay naniniwala siya na hindi kailangan ng separate restrooms para sa LGBT members.

“For as long as marunong tayong rumespeto ng kapwa, hindi magiging isyu kung saan tayo papasok,” hirit ni Vice.

Continue reading below ↓

Pero dahil sa sinapit ni Gretchen na naging malaking usapin, ipinaliwanag ni Vice na nakakaramdam ng pagkailang ang mga lalaki kung papasok sa C.R. na panlalaki ang LGBT, kaya’t naiilang na rin sila.

Sinabi rin ni Vice na may mga babae na nakakaramdam ng pagkailang kapag ang LGBT member ay gumagamit ng C.R. ng mga babae, kaya naiilang na rin ang LGBT members.

Hayag ni Vice, “Hindi sila komportable, so huwag ipilit.

“Bakit hindi niyo na lang kami gawan ng sariling C.R., ang LGBT, para lahat may safe place?

“If men feel that they are unsafe, if women feel unsafe, and LGBT feel unsafe, then create a safe place for everyone.

“Nananawagan ako sa gobyerno, create a safe place for everyone.

“Kung hindi kami matatanggap, bigyan kami ng C.R.

“Gusto lang po naming umihi at dumumi. Yun lang yun.”

Saad pa ni Vice, responsibilidad daw ng gobyerno na lumikha ng ligtas na lugar para sa lahat ng miyembro ng lipunan, kabilang ang LGBT community.

Continue reading below ↓

“Kung feeling ninyo unsafe tayo sa isa’t isa, the government must give everyone a safe place for everyone.

“It is the government’s duty to provide everyone a safe place, kahit homo sapien pa ang tingin ninyo sa kanila.”

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Vice Ganda, Gretchen Diez
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda appeals to government to create separate public restrooms designated for members of the LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) community.
PHOTO/S: It's Showtime from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results