Naniniwala si reigning Mister World Rohit Khandelwal ng India na may lugar ang mga transgender men na sumali sa kilalang international male pageant.
Ito ang opinyon ng 29-anyos na Indian model at TV personality nang makapanayam ng press at pageant enthusiasts nitong August 16, Biyernes.
Sa ginanap na presscon kahapon, natanong si Rohit kung payag ba siyang sumali ang trans men sa prestihiyosong international male pageant.
“Yeah, I believe… you know, transgenders I don’t think there has to be any differences between them,” sagot ni Rohit.
“They should be welcomed just the way they are and they should be part of Mr. World, I personally believe.
“Because that’s how the person is, and they wanna give their best, so I personally believe it.
"And I really want to support it, that they should really be part of Mister World, and be part of anything in life, as much as any other person has been.”
Matatandaan na noong Miss Universe 2018 pageant, naging kinatawan ng Spain si Angela Ponce, ang kauna-unahang transgender woman na nakapasok sa naturang international pageant.
ROHIT KHANDELWAL ON MALE BODY SHAMING
Kinunan din ng opinyon si Rohit tungkol sa body-shaming na nararanasan din ng mga lalaking sumasali sa male pageants.
Para raw sa kanya, ang Mister World ay mas higit pa sa pagkakaroon ng six-pack abs.
“I believe there is nothing wrong with that,” aniya sa mga lalaking gustong sumali anuman ang pangangatawan nila.
“Because as I told you, Mister World is about personality, it’s never completely about how great you look and you need to have six-pack abs.
“If you don’t have a personality and you only have six-pack abs, if you’re not great as a person, if you’re not great as a human being...
“Setting goals are more important than a boring attitude.”
Nakabalik ng bansa ni Rohit sa Mister World 2019 pageant na gaganapin sa darating na August 23.
Kinoronahan si Rohit bilang Mister World 2016, kaya't tatlong taon na niyang hawak ang korona.
Ito ang ikatlong beses na pagbisita niya sa Pilipinas.
