Gerald Anderson appeals for responsible use of social media amid terrorist recruitment

by Jet Hitosis
Aug 18, 2019
Army reservist Gerald Anderson appeals to the public to be responsible for what they post online amid terrorist recruitment in social media.
PHOTO/S: @andersongeraldjr on Instagram

Nanawagan si Gerald Anderson sa publiko laban sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon sa social media, dahil ginagamit umano ito ng mga terorista para makapag-recruit ng kabataan.

Ito ang apela ng aktor sa kanyang Instagram post tungkol sa pagbabalik niya sa kanyang bayan sa General Santos City o GenSan sa South Cotabato bilang isang army reservist.

Sabado ng gabi, August 17, nang ipinost ni Gerald and kanyang litrato, habang nakasuot ng army uniform at nagsasalita sa stage sa harap ng mga kasapi ng Philippine Army Scout Ranger Regiment sa GenSan.

Sa GenSan lumaki si Gerald.

Caption ni Gerald sa kanyang post (published as is): “This country (heart, Philippine flag emojis) .. very honored to be able to go Home (gensan) and bring awareness about peace and terrorism issues... terrorist recruitment of our youth through social media...”

Ayon kay Gerald, hindi lahat ng impormasyong nasa social media ay dapat na paniwalaan.

Continue reading below ↓

Makakatulong kung magsasagawa ng sariling research sa mga nababasa sa social media bago paniwalaan ang mga ito, ayon sa aktor.

Saad pa sa kanyang post: “be careful of false information.. dapat lagi tayo magresearch bago mgdecide on what to believe..”

Nanawagan siya sa lahat, kabilang na sa kapwa niya celebrities, at maging sa mga miyembro ng media, na maging responsable sa mga ipino-post sa social media.

Sabi pa ni Gerald, “civilians,celebrities, News Channels lets be responsible on what we take & put on social media and other media accounts..

“we have to stay united as a country (fist bump, Philippine flag emojis) #teamworkmakesthedreamwork Mabuhay (Philippine flag emoji) #scoutrangers.”

Kasabay nito, ipinost ni Gerald sa kanyang Instagram Stories ang pagpunta ng kanilang tropa sa Rajah Buayan military airbase sa lungsod.

Continue reading below ↓

TERRORISM IN MINDANAO

Nauna nang kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagsasagawa ng recruitment ang mga terorista sa pamamagitan ng social media.

Ayon sa militar, partikular na target ng mga terorista ang kabataan, na pangunahing tumatangkilik sa social media.

Kasalukuyan pa ring umiiral sa buong Mindanao ang martial law, na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo 2017 ilang oras makaraang salakayin ng teroristang grupo ng Maute-ISIS ang Marawi City sa Lanao del Sur.

GERALD AS AN ARMY RESERVIST

Isang linggo na ang nakalipas nang makumpleto ni Gerald ang kanyang reservist training sa Scout Ranger camp.

Kasama niyang sumailalim sa nasabing pagsasanay sina Elmo Magalona, Jerome Ponce, Nash Aguas, at Yves Flores.

Magkakasama sina Gerald, Elmo, Jerome, Nash, Yves, at si Carlo Aquino sa teleseryeng A Soldier’s Heart, na ipalalabas sa ABS-CBN.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Army reservist Gerald Anderson appeals to the public to be responsible for what they post online amid terrorist recruitment in social media.
PHOTO/S: @andersongeraldjr on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results