Judy Ann Santos admits past ghosting experiences

by Melba R. Llanera
Aug 18, 2019
Judy Ann Santos on her past ghosting experiences: "Marami na rin namang nangganyan sa akin, di lang isa. Di lang uso ang social media nung panahon ko kaya di nababalitaan, kaya walang lumalaki."
PHOTO/S: Instagram

Hindi lang pala isang beses naging biktima ng "ghosting" si Judy Ann Santos.

Naging bukambibig kamakailan ang salitang "ghosting" dahil sa kontrobersyal na breakup nina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Ito ay tumutukoy sa bigla na lang na pag-alis o pag-iwan sa relasyon nang wala man lang kahit anong paliwanag o abiso.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Juday sa nakaraang Champion press launch na ginanap sa Makati Diamond Residences, inamin niyang natutunan na lang niyang tanggapin ang ganitong sitwasyon at mag-move on.

Pag-amin niya, "Marami na rin namang nangganyan sa akin, di lang isa.

"Di lang uso ang social media nung panahon ko kaya di nababalitaan, kaya walang lumalaki.

"E, di dedma. Kung ayaw nila, di wag. Ganun lang.

"I mean, masakit kung sa masakit. You know you invested so much in one person, but apparently, another person doesn't like it anymore.

"It's not worth my time. Para sa akin, ang bawat oras ng bawat tao ay mahalaga.

Continue reading below ↓

"Kung at some point may nanabang, bye."

NO REGRETS

Ayon sa Kapamilya actress, ang mahalaga sa kanya ay alam niya na wala siyang nilokong tao at totoo ang pagmamahal na pinakita niya sa isang tao pero di nga lang ito napahalagahan.

Pagbabalik-tanaw niya, "No regrets kasi pure naman yung binigay mong feelings sa kanila, di lang naging ganun ang dating sa kanila.

"Basta ako maligaya akong namumuhay, kasi wala naman akong ginawang kasalanan, at di ako guilty sa kung anuman ang nangyari sa buhay ko.

"What's important is I loved and when I love, I really say I loved and gave my heart to that person na minahal ko."

NO NEED FOR CLOSURE

Para din kay Juday, di na dapat maghabol at magtanong sa isang taong binalewala siya.

Diin niya, "Kung ayaw nila ng closure, e di wag magbigay ng closure.

"Di ko ipu-push ang sarili ko sa isang tao na ayaw ako.

Continue reading below ↓

"Ni hindi na ako magsasayang ng oras sa isang tao na hindi pinahahalagahan ang oras na yun.

"Again, nire-refer ko ito sa sarili ko at sarili kong experience.

"Wala akong pinapatamaan.

"It's just my experience when I was younger.

"Parang natutunan ko na lang na pag lumet go ang isang tao, di niya na-appreciate ang effort ko, then we all move on.

"We don't need closure anymore. Parang enough na sa akin na binastos mo ako."

HEALING PROCESS MAKES YOU STRONGER

Sa kabila ng sakit na napagdaanan niya sa mga ganitong pagkakataon, di naman naging traumatic kay Juday ang mga ito para di na siya muling magmahal at magtiwala.

Lahad niya, "Hindi, kasi iba-iba naman ang mga lalake, e.

"Though it will take some time bago mo talaga makita yung tao na may pure intention, but it will come.

"It will come at the right time when your heart is prepared, when your mind is ready, when you're willing to give everything to that person.

Continue reading below ↓

"You will feel it.

"You will feel it when you are ready to quit everything and bigay na lang ang buhay mo sa kanya. Darating naman yun."

ADVICE FOR GHOSTING VICTIMS

Sa huli ay tinanong namin si Judy Ann kung ano ang maipapayo niya sa mga taong biktima ng ghosting.

Saad niya, "Di naman maiiwasan ang ganyang mga bagay-bagay.

"Challenges come in different ways, forms and sizes.

"It's just up to you on how you will deal with it.

"At the same time, if you have your faith and trust in the Lord, everything will fall into place.

"Sabi nga nila, nasasaktan tayo para sa rason.

"It will make you a better person, that's for sure.

"It will make you a stronger person at the end of the day.

"At the same time, when you look back, tatawanan mo na lang ito.

"Pag natawanan mo na 'to, okay na yan."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos on her past ghosting experiences: "Marami na rin namang nangganyan sa akin, di lang isa. Di lang uso ang social media nung panahon ko kaya di nababalitaan, kaya walang lumalaki."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results