Angelica Panganiban admits lifestyle check, cuts back on booze

by Jet Hitosis
Aug 18, 2019
Angelica Panganiban acknowledges that age has a lot to do with her decision to rethink most of her toxic habits, particularly drinking.
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa edad na 32, aminado si Angelica Panganiban na may mga dati siyang hilig gawin na bibihira na niyang gawin ngayon dahil nagkakaedad na siya.

Aminado si Angelica na mahilig siyang uminom ng alak noon, pero bihira na raw niya itong gawin ngayon dahil hindi na siya madaling maka-recover mula sa hangover.

Isa si Angelica sa mga bida sa iWant digital series na Call Me Tita, na magsisimula na ang streaming ngayong Linggo, August 18, 9:00 ng gabi.

Siya ang tinaguriang “tita-in-training” sa serye, na pinagbibidahan din ng matatagal na niyang kaibigan na sina Mylene Dizon, Agot Isidro, Joanna Ampil, Cherry Pie Picache, at Lorna Tolentino.

Continue reading below ↓

ANGELICA IS “TITA-IN-TRAINING”

Sa media conference ng Call Me Tita noong August 6, tinanong ang mga bida ng serye tungkol sa mga pisikal na konsiderasyon ng pagiging “tita,” o pagiging middle-aged woman.

Umpisang kuwento ni Angelica, “To be honest, nararamdaman ko siya sa, pag halimbawa, iinom ka.

“Dati, di ba, pag umiinom ka yung talagang iinom ka talaga. Forever kang iinom.

“Yun yung thinking mo. 'Ipinanganak ako para uminom.'

“Ganun talaga yung thinking ko nun.”

Pero iba na raw ngayon ang sitwasyon para sa aktres, dahil hindi na raw puwede na lagi siyang umiinom ng alak.

Dagdag ni Angelica, “Nung nito na, hindi ko kaya pala.

“Parang nagsimula siya ng every other day, 'tapos, 'Ay, hindi ko pala kaya ng every other day.'

“Kailangan pala weekends na lang.”

REAL TALK AND AN IMPORTANT REALIZATION

Aminado si Angelica na matagal na siya maka-recover ngayon mula sa hangover.

Continue reading below ↓

Kuwento niya, “Ngayon, actually, nangyayari siya sa akin, as of now.

“Yung parang nagkakaroon ako ng realization na hirap na akong maka-recover talaga.

Prangkang pag-amin ng aktres, “Kasi aminado naman ako, isa yan sa hilig ko talaga.

“Mahilig akong uminom, mag-unwind. Real talk lang.

“Gusto ko talaga yun, pero pagka nagkakaedad ka na pala, hindi na pala madaling maka-recover.

Ayon kay Angelica, sa nakalipas na mga taon ay sinubukan niyang isingit ang nasabing pastime sa mga pinagkakaabalahan niya.

Kuwento pa ng aktres, “Parang ilang years na sinubukan ko. 'O sige, every other day,' 'tapos, hindi pa rin.

“'Tapos, 'O sige, every weekends na lang.' Tuwing Sunday na lang.

“'Tapos, Monday sisimulan mo yung araw mo na talagang... ang bagal. So, tatanggalin mo ulit.”

Sa ngayon, ayon kay Angelica, bibihira na lang siyang uminom.

Lahad niya, “Ise-schedule mo na lang, ganun na pala talaga ngayon.

Continue reading below ↓

“So feeling ko, andun yung edad.”

REFUSES NIGHT OUT WITH FRIENDS

Sinegundahan naman ni Direk Andoy Ranay ang kuwento ni Angelica.

Ayon sa direktor ng Call Me Tita, tinatanggihan na siya ngayon ni Angelica kapag niyayaya niya itong uminom.

Kuwento ni Direk Andoy, “Nagugulat nga ako sa kanya pagka minsan yung, ‘Tara, inom tayo!’ ‘Wag na, dito na lang ako sa bahay.’

“So parang, ‘Hindi na, may yoga ako bukas, e.’ 'Sige, sige, di wag na lang.'”

Sinabi naman ni Direk Andoy na respetado niya ang anumang desisyon ni Angelica, lalo na kung ito'y para sa ikabubuti ng kanyang kalusugan.

Aniya, “Nagugulat ako sa kanya, pero yun kasi, choice niya yun, e.

“Siguro ayaw na rin niya yung pakalat-kalat, painum-inom.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban acknowledges that age has a lot to do with her decision to rethink most of her toxic habits, particularly drinking.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results