GT members react to negative comments about their dance number

by Bernie V. Franco
Aug 19, 2019
GT members (L-R, left photo) Chienna Filomeno, Mica Javier, Sammie Rimando react after their group received criticisms for their performance on "It's Showtime" last week.
PHOTO/S: Noel Orsal / GT on Twitter

Nagkalat, hindi sabay-sabay, at watak-watak.

Ilan lamang ito sa mga pambabatikos na natanggap ng all-female group na GT (dating GirlTrends).

Regular na napapanood ang grupo sa ABS-CBN noon-time program na It's Showtime.

Binubuo ito ng pitong members: sina Dawn Chang, Mica Javier, Chienna Filomeno, Krissha Viaje, Mikee Agustin, at Joana Hipolito.

GT “WATAK-WATAK” PERFORMANCE

Noong August 14, Miyerkules, nag-perform ang GT sa It's Showtime ng sing-and-dance production number sa saliw ng "How Do You Sleep" ni Sam Smith.

Sa apat-na-minutong performance nila, mapapansing may mga pagkakataon na hindi sila nagkakasabay-sabay.

Habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 2.5 million views ang video clip ng performance ng grupo na naka-post sa Twitter.

Continue reading below ↓

Inulan ng panlalait at pambabatikos ang GT.

May mga netizen na nagsabing ganda lang daw ang puhunan ng grupo.

Sabi ng isang netizen: “Balang araw yang showbiz sa pinas, mapupuno ng mga magaganda at gwapo na wala namang talent kundi magpa ganda/gwapo. Disgusting”

Tweet ng isa pa: “Sayang2x lng sa budget mga ate?? Hahahahaha.. buti na lng di nag sabaysabay.”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ayon naman sa ibang netizens, ito ang dahilan kung bakit mas gusto raw nilang suportahan ang foreign groups kesa local talents.

“sadly they don’t take dis things seriously. No wonder KPOP is thriving here because the difference is too big not to notice,” tweet ng isa.

Sinegundahan naman ito ng isa pang netizen: “And then they complain why can’t we support our own artists and take pride in our country… like Dios Mio paano ba kung ganito sila.”

Continue reading below ↓

Samantala, mayroon din namang netizens na nakapansin at pumuri sa ilang miyembro na nakuha nang tama ang choreography.

GT MEMBERS REACT

Sa gitna ng mga pambabatikos na ito, nag-react ang tatlong miyembro ng GT.

Sa Twitter ay sumagot sina Chienna, Mica, at Sammie.

Inako ni Chienna ang kanyang pagkakamali at humingi ng sorry.

Continue reading below ↓

Pero may buwelta rin siya sa panghihiya raw sa kanya ng netizens.

“Yup, ako may sala. Aminado ako. That definitely wasn’t my day. I’m sorry for that.

“Ngayon lang ako naganyan sa 3years ko sa GT.

“Eh kayo kailan kayo magiging sorry sa kaka shame niyo ng tao na walang ginagawa sa inyo? [smile and heart emoji]”

Continue reading below ↓

Inako rin ni Mica ang kanyang pagkakamali dahil kulang daw siya sa tulog.

“Honestly, i did not feel good about today’s performance. No excuses.

“If you’re given a shot on stage, you should always perform your best.

“I’m running on 2hrs sleep segue from taping, same day rehearsal, pang lalake pa yung song—wala sa range ko, pero no choice kailangan gawin kasi yun ang binigay.”

Pero diin ni Mica, ginawa pa rin niya ang kanyang trabaho sa abot ng kanyang makakaya.

“Regardless I showed up to work, on time, and still did the job.

“Moral of the story, lahat tayo nadadapa, mas mahalaga bumangon ka.

“Do better next time, always keep improving, never give up.

“It’s a process.”

Continue reading below ↓

Nag-react naman ang isang netizen na nagsabing never daw niyang nabalitaang nagsabay-sabay sa production number ang grupo.

Sagot ni Sammi: “Di po kasi nag iingay pag sabay sabay kami, walang nasasabi.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GT members (L-R, left photo) Chienna Filomeno, Mica Javier, Sammie Rimando react after their group received criticisms for their performance on "It's Showtime" last week.
PHOTO/S: Noel Orsal / GT on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results