Kim Chiu on volleyball game vs Julia Barretto: "Bawal mag-boo."

by Melba R. Llanera
Aug 20, 2019
Julia Barretto (left) and Kim Chiu are captains of their respective volleyball teams in the upcoming ABS-CBN All Star-Games.
PHOTO/S: Instagram

Maghaharap sina Kim Chiu at Julia Barretto sa All-Star Games 2019 ng ABS-CBN Star Magic na gaganapin sa Agosto 25, Linggo, sa Araneta Coliseum.

Magkatunggali sa volleyball ang team ni Kim at ang team ni Julia.

Aware si Kim na malakas ang team ni Julia.

“Hayan, na-stress na naman ako! Naalala ko na naman. Hindi, joke lang!” nakangiting sambit ni Kim nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa recent mediacon ng Nature’s Way sa Lazat restaurant, Quezon City, noong August 16, Biyernes.

“Una, stressed talaga ako, kasi hindi naman talaga ako super na player, 'tapos sa Araneta pa gagawin.

"Katapat namin, team ni Julia, nakaka-nervous.

“Kasi si Julia, varsity na siya before.

"Ako, doon lang sa Mababang Paaralan ng Cebu City, yun lang ang lakas na maibibigay ko.

“Sana maging okay yung game. Mayroon naman kaming dalawang UAAP players na kasali, so tigdadalawa kami...

"Siyempre, wala namang may ayaw manalo. Siyempre, gusto naming manalo.

Continue reading below ↓

"Pero siyempre, gusto namin fun at the same time. Let's see on Sunday."

Paniniguro ni Kim, mabubusog ang mga manonood sa games na mapapanood nila.

"Yes, sobrang mabubusog sila pag nanood sila sa August 25, kasi may basketball saka volleyball. It's a day of sports and fun.

“Iba siya, pag pinanood nila, hindi kami nag-a-acting, hindi kami kumakanta, hindi kami sumasayaw kundi naglalaro kami just like all of them.

"We're all having fun. Let's all have fun on the 25th.

"Kasi, minsan lang mangyari ito like sa volleyball, first time mangyari na maglaro kami sa Araneta.

"Laro kasi namin, Star Magic Games lang sa mga gym, court. Ito, ang laking event.

"Usually, basketball lang ang naglalaro, this time sinali na kami.

“Sobrang nakakakaba but with prayers and strength, sana may mangyari sa amin."

Pakiusap pa ni Kim, wala sanang mag-boo.

"Bawal mag-boo, no, wala, wala. Dapat, happy lang ang lahat.

Continue reading below ↓

"Dapat, fun and game, yun ang nasa isip nila pag pumasok sila sa Araneta."

Samantala, magkalaban sa basketball ang team ni Gerald Anderson at ang team ng It’s Showtime.

Ex-boyfriend ni Kim si Gerald, na nauugnay ngayon kay Julia.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto (left) and Kim Chiu are captains of their respective volleyball teams in the upcoming ABS-CBN All Star-Games.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results