Eagle Riggs sues motorcycle driver for reckless imprudence

by Arniel C. Serato
Aug 20, 2019
Host-comedian Eagle Riggs files complaint against motorcycle driver at a local court in Palawan.
PHOTO/S: Courtesy: Michael Eagle Riggs / Palawan News on Facebook

Gusto ni Eagle Riggs na managot ang driver ng motorsiklong nakabangga sa kanya sa Palawan noong madaling-araw ng Linggo, August 18.

Sa panayam ng Palawan News sa comedian-host kahapon, August 19, sinabi nitong kailangan ding bayaran ng driver ang kanyang bills sa ospital.

Pahayag ni Eagle, “Kailangan sila ang mag-shoulder ng expenses ko dito, kasi yung sa akin, wala akong pera.

“Yung show ko sa Tataboom, gratis yun, because the owner is a good friend of mine.

"Ang gusto kong mangyari ay bayaran niya yung hospitalization ko."

Ayon sa ulat, bandang alas-5 ng umaga noong Linggo, nabangga ng motorsiklo si Eagle habang tumatawid sa isang kalsada sa Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City, upang bumili ng mineral water.

Lahad pa ni Eagle, “Two steps more sa sidewalk na ako, biglang may tumama na lang sa akin na hindi ko alam kung ano.

“Ang kuwento na lang sa akin ng mga nakakita, ako raw ay umikot at bumagsak, mukha ko raw yung nahulog."

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, “Five to ten minutes, paggising ko na lang may nagdi-drip na dugo at may nakahawak na sa akin.”

Ang driver na nakabangga sa kanya ay kinilalang si Rey Vincent Pacaldo, isang construction worker.

Nakainom diumano ang motorcycle driver nang maganap ang aksidente.

Si Eagle ay unang itinakbo sa Ospital ng Palawan at kalaunan ay inilipat sa Cooperative Hospital para sa kanyang leg operation.

Gusto raw ni Eagle na makulong ang nakabangga sa kanya para magkaroon ng leksiyon para sa ibang mga motorista.

Nakapagsampa na rin siya ng reklamong reckless imprudence resulting to physical injuries sa local court ng Palawan.

Pumunta si Eagle sa Palawan noong August 14 para sa show sa bar ng isa niyang kaibigan noong Sabado, August 17.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Host-comedian Eagle Riggs files complaint against motorcycle driver at a local court in Palawan.
PHOTO/S: Courtesy: Michael Eagle Riggs / Palawan News on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results