Karla Estrada posts photo of rumored non-showbiz boyfriend

by Rachelle Siazon
Aug 20, 2019
Did Kapamilya actress-host Karla Estrada just hint at her rumored romance with this non-showbiz guy?
PHOTO/S: @karlaestrada1121 Instagram

Tila unti-unting isinasapubliko ni Karla Estrada, 44, ang blooming romance nila ng hinihinalang bagong karelasyon niya ngayon.

Sa kanyang Instagram Stories kagabi, August 19, ipinakita ni Karla ang litrato niya kasama ang isang non-showbiz guy na hindi niya pinangalanan.

Walang inilagay na caption si Karla maliban sa isang sticker ng cartoon character na kumikislap ang mga mata, na tila kinikilig base sa flowers at sparkle na disenyo nito.

Continue reading below ↓

Nagbahagi rin si Karla ng quote card tungkol sa paninindigan sa sariling desisyon sa buhay.

Sabi rito: "Do not wait for someone else's approval. All you need is your own."

FIRST SIGHTING OF KARLA AND RUMORED BOYFRIEND

Noong Huwebes ng gabi, August 15, unang nakita si Karla kasama ang parehong non-showbiz guy sa anniversary party ng District 8 restobar sa San Juan City.

Continue reading below ↓

Nakunan pa ng litrato si Karla at ang non-showbiz guy kasama ni Sunshine Cruz, boyfriend ni Sunshine na si Mackie Mathay, at basketbolistang si James Yap.

Sa ulat ng ABS-CBN News Online, nakasaad na mailap daw si Karla tungkol sa pagbibigay ng detalye sa estado ng kanyang buhay pag-ibig.

Ang tanging sinabi lang niya ay "masaya" siya, at suportado ng kanyang mga anak kung sinuman ang napupusuan niya.

Lalo pa't pribado naman daw siya pagdating sa kanyang love life.

KARLA'S LAST RELATIONSHIP

February 2017 huling naiulat ang estado ng relasyon ni Karla at ng boyfriend of seven years niyang si Mark Yatco.

Ikinuwento noon ni Karla ang kanilang long-distance relationship dahil kinailangang manirahan ni Mark sa U.S. upang alagaan ang dalawa nitong anak na naninirahan doon.

Naiintindihan daw ni Karla, ina ng aktor na si Daniel Padilla, ang desisyon ng nobyo.

"Kasi hindi ko kaya, e. Pagdating sa mga anak talaga, igi-give up ko talaga, dahil ako ay isang ina...

Continue reading below ↓

"So OK na ako, OK lang ako na ganito, na titingnan natin.

"May pag-uusap naman na, 'If may ma-meet ka diyan, may ma-meet ako, just tell me and ayusin natin kung saan tayo masaya.'"

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Did Kapamilya actress-host Karla Estrada just hint at her rumored romance with this non-showbiz guy?
PHOTO/S: @karlaestrada1121 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results