Bea Alonzo uses "OneDayAtATime" hashtag on new Instagram post

by Arniel C. Serato
Aug 20, 2019
Bea Alonzo on her old photo with mom: "I hope you could see how big my smile is right now while reminiscing my childhood. #OneDayAtATime."
PHOTO/S: Courtesy: @beaalonzo on Instagram

Nag-post na muli sa kanyang Instagram feed ang aktres na si Bea Alonzo.

Halos isang buwan ding hindi nag-update si Bea sa kanyang feed, maliban na lamang sa Instagram Stories (IG Stories) kung saan pinasalamatan niya ang lahat ng mga kaibigang nagbigay ng suporta sa kanya sa gitna ng hiwalayan nila ni Gerald Anderson.

Ang huling post ni Bea ay noon pang July 21, kung saan kapansin-pansin ang salita niyang “Enough” na patungkol daw sa isang taong nanloko sa kanya.

Kasunod nito, nagsilabasan ang balitang on the rocks na ang relasyon nina Bea at Gerald.

At ang itinuturong third party ay si Julia Barretto, co-star ni Gerald sa pelikulang Between Maybes.

Ito ay matapos mag-viral ang paparazzi photos at videos nina Gerald at Julia na kuha sa labas ng isang posh bar sa Bonifacio Global City, Taguig, noong July 20, pagkatapos dumalo sa 30th birthday party ni Rayver Cruz.

Magmula noon, nagsilabasan na ang mga diumano’y sightings nina Gerald at Julia sa iba’t ibang lugar na lalong nagpaigting sa isyu.

Continue reading below ↓

#ONEDAYATATIME

Noong August 6, sa birada sa kanya ni Julia sa Instagram, inaasahan ng lahat na sasagot si Bea.

Ngunit hindi niya pinansin ang akusasyon ni Julia sa kanya bilang “bully.”

Hanggang nagparamdam muli si Bea sa pamamagitan ng Instagram ngayong Martes, August 20.

Dito ay ibinahagi ng Kapamilya actress ang kanyang larawan noong isang taong gulang pa lang siya habang karga-karga ng kanyang ina.

Sa caption ay binalikan niya ang masayang alaala ng kanyang kabataan.

“In the midst of my home renovation, I was going through old photos to choose what to put on our family wall when I saw this picture.

"I think I was one year old when this picture was taken.

"My mom carrying me and I had the biggest smile as I was enjoying my chocolate given to me by my Lola.

"Simple lang ang buhay.

"I was not born with a silver spoon in my mouth but I was raised knowing that I am loved.

Continue reading below ↓

"Knowing this warms my heart.

"I hope you could see how big my smile is right now while reminiscing my childhood."

Kapansin-pansin naman ang paggamit ni Bea ng hashtag na "#OneDayAtATime," na tila tumutukoy sa kanyang pagmu-move on mula sa nagtapos nilang relasyon ni Gerald.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo on her old photo with mom: "I hope you could see how big my smile is right now while reminiscing my childhood. #OneDayAtATime."
PHOTO/S: Courtesy: @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results