Tinanong ang Panti Sisters lead stars na sina Paolo Ballesteros, Christian Bables, at Martin del Rosario kung ano ang masasabi nila sa kontrobersiyal at pinag-uusapang insidente na kinasangkutan ng transgender na si Gretchen Diez.
Pinalabas sa C.R. ng mga babae sa isang mall, pinosasan, at idinitene si Gretchen matapos itong ireklamo ng mga babaeng nasa loob ng C.R.
Pinag-usapan ang insidenteng ito dahil sa paraan ng pagbabawal at pagpapaalis ng mga taong rumesponde sa mga babaeng nagsumbong.
Marami ang nagpahayag ng kanilang damdamin at opinyon sa insidenteng ito, at hindi nakaligtas ang stars Panti Sisters na hiningan din ng opinyon ng showbiz press tungkol dito.
Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel
