Martin del Rosario brushes off relentless rumors about his gender

by Arniel C. Serato
Aug 22, 2019
Martin del Rosario on accpeting gay roles despite gay rumors about him: "Lilimitahan ko ba yung craft ko nang dahil lang sa mga sabi-sabi ng mga tao?"
PHOTO/S: Noel Orsal

Madalas nang gumanap bilang gay o trans woman sa pelikula at telebisyon ang Kapuso actor na si Martin del Rosario.

Hindi ba siya natatakot na hindi pa rin mabura ang pagdududa ng mga tao na siya ay gay sa totoong buhay?

Diretsong sagot ni Martin, “Hindi. Hindi ako naiilang, hindi talaga.

“E, lilimitahan ko ba yung craft ko nang dahil lang sa mga sabi-sabi ng mga tao?”

Kung hindi naman siya pinag-iisipang gay, pumapatol naman daw siya sa gays. Ano ang masasabi niya rito?

Tugon ng 26-year-old actor, “E, bahala na sila dun, hindi ko na pinakikialaman yung mga istorya nila.

“Nababasa ko lang pag tina-tag ako.

“Kung gusto nila, kung anong isipin nila, isipin nila.”

Dahil wala siyang pakialam sa sasabihin ng mga tao, ini-enjoy na niya ang gay o trans woman roles?

Nakangiting saad ni Martin, “Oo, enjoy, enjoy siya.

“Ngayon kasi [sa The Panti Sisters], ibang iba siya sa Born Beautiful na ginawa ko.

Continue reading below ↓

“Ito naman kasi sweet siya, e.

“Naaliw din ako kapag nakikita ko yung sarili ko.

"Kasi ako dito, mahilig sa pink, mga pastel colors. Sa kanila, ako yung pinaka-sweet, pinaka pa-girl.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin pagkatapos ng grand presscon ng The Panti Sisters noong Martes, August 20.

Ang The Panti Sisters ay entry ng Black Sheep at The IdeaFirst Company sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2019 at mapapanood na sa mga sinehan sa darating na September 13.

Kasama niya rito sina Paolo Ballesteros at Christian Bables.

Continue reading below ↓

THE GIFT

Bukod sa pelikula, kasama rin si Martin sa upcoming teleserye ng GMA na The Gift, kung saan bida si Alden Richards.

Patikim na kuwento ni Martin sa kanyang role, “Ako po ay isang kontrabida. Kaaasaran ako ng tao.

“Half-brother ako ni Alden, salbahe siya [yung character].”

Ang The Gift ay isang family drama na may pagka-supernatural.

Mapapanood na ito sa GMA primetime soon.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Martin del Rosario on accpeting gay roles despite gay rumors about him: "Lilimitahan ko ba yung craft ko nang dahil lang sa mga sabi-sabi ng mga tao?"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results