Ion Perez defends Vice Ganda on exposure issue on It's Showtime

by Bernie V. Franco
Aug 22, 2019
Ion Perez (right) speaks up about allegations that "It's Showtime" main host Vice Ganda (center) is giving him more exposure than Jackie Gonzaga, a.k.a. Ate Girl.
PHOTO/S: Ion Perez and Vice Ganda on Facebook / @jackiegirlg on Instagram

Ipinagtanggol ni Ion Perez si Vice Ganda hinggil sa akusasyong mas binibigyan umano siya ng exposure ng Unkabogable Star kumpara kay Jackie Gonzaga sa isang bagong segment ng It’s Showtime.

Si Vice ay main host ng ABS-CBN noontime show, habang sina Ion o Kuya Escort at Jackie o Ate Girl ay mga assistant sa mga segment ng programa.

Nito lamang August 15, hindi napigilang mag-react ni Vice nang akusahan siya ng fans ni Jackie na mas binigyan nito ng exposure si Ion kesa kay Jackie sa "Mister Q and A," na bagong contest sa show.

Buwelta ni Vice sa Twitter: “Yan ang hirap sa inyo! Binigyan na nga ng exposure ung idolo nyo di pa kayo makuntento!

"Aba baka sa sususnod iutos nyo ng sya ang gawing main host! Abusado!!!"

ION DEFENDS VICE

Na-interview si Ion sa story conference ng upcoming movie na Mang Kepweng nitong August 20.

Naka-upload ang mga video ng interview sa YouTube.

Continue reading below ↓

Dito ay nagsalita si Ion tungkol sa naging reaksiyon ni Vice.

“Okay lang naman sa akin iyon," simulang paliwanag ni Ion.

“Mga tao, hindi mo naman lahat mapapakiusapan kaya sabi ko, natural lang na maging ganoon ang reaksiyon ni Meme [tawag kay Vice]."

Nali-link din sina Vice at Ion at malimit na tinutukso sa noontime show.

Inusisa rin si Ion kung sa tingin ba niya ay ginagawa namang balanse ang exposure nilang dalawa ni Jackie.

“Basta ako kasi, ginagawa ko lang yung part na… doon sa trabaho.

“Hindi naman ako nakikipagkumpitensiya kay Jackie.

“Kasi akala ng ibang tao nakikipagkumpitensiya ako kay Jackie.

“Hindi ako nakikipagkumpitensya, ginagawa ko lang yung trabaho ko na tama.”

Nilinaw rin ng Mr. Universe Tourism 2018 na hindi siya nagseselos kay Jackie kung nabibigyan man ito ng mas maraming exposure.

“Naging part lang ako ng Showtime, sobrang nagpapasalamat na ako," sabi ni Ion.

“Yung mabibigyan pa ako ng konting spot, pinagpapasalamat ko na."

Continue reading below ↓

Itinanggi rin ni Ion na dahil sa isyu ay nagkaroon sila ng gap ni Jackie.

“Hindi naman po. Alam naman po namin ni Jackie na trabaho.”

Noong nakaraang taon ay ipinasok sa It’s Showtime si Ion bilang usher ng mga contestant ng "Miss Q and A," ang tagisan ng talino para sa gays and transgender women.

Si Jackie naman ay regular dancer sa show na binigyan ng exposure ni Vice sa "Miss Q and A" at naging daan para unti-unti siyang makilala.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ion Perez (right) speaks up about allegations that "It's Showtime" main host Vice Ganda (center) is giving him more exposure than Jackie Gonzaga, a.k.a. Ate Girl.
PHOTO/S: Ion Perez and Vice Ganda on Facebook / @jackiegirlg on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results