Pinoy celebrities join social media outcry over Amazon rainforest fires

by Jet Hitosis
Aug 22, 2019
Kylie Padilla, Erwan Heussaff, and Liza Soberano are some local celebrities who joined the global social media campaign to help save Brazil's Amazon rainforest that has been burning for more than two weeks now.
PHOTO/S: @kylienicolepadilla, @erwan, @lizasoberano on Instagram

Nakiisa ang maraming Pinoy celebrities sa viral ngayong global social media campaign kaugnay ng tumitinding wildfires sa Amazon rainforest sa Brazil.

Nagkanya-kanyang repost sa social media ang ilang celebrities sa bansa, gamit ang hashtag na #PrayforAmazonia, na layuning umapela ng awareness at pagkilos para maisalba ang pinakamalaking rainforest sa mundo.

Mahigit dalawang linggo nang nasusunog ang tinaguriang “lungs of the planet,” na nagkakaloob ng 20 percent ng oxygen sa atmosphere ng planeta.

Ito ay batay sa mga impormasyong ipinakalat at nag-trending sa social media simula nitong Miyerkules, August 21.

NO MEDIA COVERAGE?

Sa kani-kanilang Instagram Story nitong Miyerkules, ni-repost nina Arci Muñoz at Kim Chiu ang #PrayforAmazonia post ng Hollywood actor at environmentalist na si Leonardo DiCaprio.

Idinaan din sa Instagram Stories nina Liza Soberano, Alex Gonzaga, Bianca Umali, Ruffa Gutierrez, at ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff ang pakikiisa nila sa #PrayforAmazonia.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Binigyang-diin naman sa post nina Moira dela Torre at Gerald Anderson ang kawalan umano ng media coverage ng tumitinding wildfire sa Amazon rainforest.

Continue reading below ↓

Sa post ni Gerald, ikinumpara pa niya ang kawalang reaksiyon ng mundo sa ilang linggo nang wildfire sa worldwide outcry kasunod ng pagkasunog ng tuktok na bahagi ng Notre Dame Cathedral sa Paris noong April 15, 2019.

Binanggit naman ni Kylie Padilla sa kanyang post si Brazilian President Jair Bolsonaro, habang litrato ng nagdilim na lungsod ng Sao Paolo ang ipinost ng pinsan niyang si Bela Padilla.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

ENVIRONMENTAL GROUPS BLAME BRAZILIAN PRESIDENT

Sinisi ng environmental groups—gaya ng World Wildlife Fund at Greenpeace—si Bolsonaro sa nasabing wildfire, dahil sa pagkunsinti umano ng opisyal sa deforestation sa Brazil, iniulat ng CNN (Cable News Network).

Sa kanyang panig, iginiit naman ni Bolsonaro na mga non-governmental groups (NGOs) ang nagpasimula ng sunog upang sirain umano ang kanyang pandaigdigang reputasyon.

Tinukoy pa sa report ng CNN ang datos ng space research center ng Brazil—ang National Institute for Space Research—na nakapagtala ng kabuuang 72,843 sunog sa Brazil ngayong taon.

Mahigit 9,000 sa nasabing bilang ay nangyari simula August 15, ayon sa report ng National Geographic.

Tumaas ito ng mahigit 80 percent kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong 2018, na may kabuuang 40,000, iniulat ng CNN.

Apektado na ng maitim at makapal na usok ang kalahati ng Brazil, at hanggang kahapon ay kumakalat na rin sa mga kalapit-bansa nitong Peru, Bolivia, at Paraguay.

Tinatayang kasinglaki ng kalahati ng United States of America, ang Amazon rainforest ay mayroong tatlong milyong uri ng mga halaman at hayop, at tirahan ng nasa isang milyong katutubo, ayon sa report ng BBC (British Broadcasting Corporation).

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Padilla, Erwan Heussaff, and Liza Soberano are some local celebrities who joined the global social media campaign to help save Brazil's Amazon rainforest that has been burning for more than two weeks now.
PHOTO/S: @kylienicolepadilla, @erwan, @lizasoberano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results