Erwan Heussaff responds to negative comments about Anne Curtis's daring role

by Jet Hitosis
Aug 22, 2019
Erwan Heussaff defends wife Anne Curtis from negative comments on the actress' daring role in her latest movie with Marco Gumabao, Just A Stranger.
PHOTO/S: @annecurtissmith on Instagram

Ipinagtanggol ni Erwan Heussaff ang kanyang misis na si Anne Curtis sa “hilarious comments” ng mga netizen na nagsasabing hindi na dapat tumatanggap ng sexy roles ang aktres, dahil may asawa na ito.

Ito ay matapos umani ng ilang negatibong komento mula sa ilang netizens ang movie poster na ipinost ni Anne sa Instagram noong Martes, August 20.

Ipinost ni Anne ang poster ng pelikula nila ni Marco Gumabao na Just A Stranger isang araw bago ito ipalabas sa mga sinehan noong Miyerkules, August 21.

Continue reading below ↓

Gayunman, ilang netizens ang hindi natuwa sa sexy pose nina Anne at Marco sa poster ng pelikula.

Continue reading below ↓

Isinulat at idinirek ni Jason Paul Laxamana, ang Just A Stranger ay kuwento ng isang married woman na nakilala sa Portugal ang isang lalaking mas bata sa kanya, hanggang sa nagkaroon sila ng affair.

“FEELING DALAGA”

May netizen na nagsabing “hindi na bagay sa sitwasyon” ni Anne ang kuwento ng Just A Stranger—na maraming intimate scenes.

Sinabihan din ang It’s Showtime host na “feeling dalaga,” habang ilan ang nakadama ng awa para sa asawa ni Anne na si Erwan.

Continue reading below ↓

Sa mahabang sagot ni Erwan, tinawag niyang “hilarious” ang mga komento ng mga netizen na pinangungunahan ang kanyang nararamdaman bilang asawa ni Anne.

Buwelta ni Erwan, “Hilarious comments.

“Last I checked, I’m the husband and I know how I feel (which is completely fine by the way, thanks for asking).

“So no need to throw around words like disrespect or dictate what a person should or shouldn’t do after getting married.”

ANNE’S FAN AND MENTOR

Ayon pa sa restaurateur-vlogger, naiintindihan at hinahangaan niya ang ginagawa ni Anne bilang isang aktres.

Patuloy pa ni Erwan, “I’ve known my wife as an actress, since day 1 and I have the utmost admiration for what she does.

“End of story.”

Sinabi ni Erwan na hindi isyu sa kanya ang tema ng Just A Stranger, maging ang mga eksena nina Anne at Marco sa pelikula.

Aniya, mas awkward ang dating sa kanya ng mga komentong natanggap ni Anne dahil sa role nito sa pelikula, kaysa kinukuwestiyong role ng kanyang asawa.

Continue reading below ↓

“I don’t feel awkward or uncomfortable when watching these movies (you guys commenting make it awkward)."

Ayon kay Erwan, nagbibigay pa nga siya ng inputs sa asawa kung paano nito mas mapapahusay ang pagganap sa anumang project na tinatanggap nito.

Paliwanag ni Erwan, “I actually actively gave Anne inputs when I read the script on how I think the story could be developed or portrayed."

ERWAN ON SUCCESSFUL MARRIAGES, SEXIST PEOPLE

Binigyang-diin din ni Erwan ang konsepto ng pag-aasawa para sa kanya.

“So, let’s stop talking about marriage like it needs to change people.

“Most successful marriages I know are those where both parties kept their identity intact and grew as a couple.”

Pinaalalahanan din ni Erwan ang mga netizen na huwag maging sexist, na mambabatikos dahil lang isang babaeng may asawa ang gumagawa ng intimate scenes sa pelikula.

“Also, let’s not be sexist people, if this was a married guy actor doing love scenes, no one would have any issue with it,” ani Erwan.

Continue reading below ↓

Isang maikling “je t’aime mon amour”—o I love you, my dear—naman ang sagot ni Anne sa pagtatanggol sa kanya ng asawang French-Filipino.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Erwan Heussaff defends wife Anne Curtis from negative comments on the actress' daring role in her latest movie with Marco Gumabao, Just A Stranger.
PHOTO/S: @annecurtissmith on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results