Aiko, Angelica, Angel, Kim enraged by possible release of former mayor Antonio Sanchez

by Arniel C. Serato
Aug 22, 2019
Celebrities Aiko Melendez, Angelica Panganiban, Angel Locsin, and Kim Chiu air their frustration over possible early release from prison of former Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.
PHOTO/S: Noel Orsal / Shaira Luna

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang impending release ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ito ay dahil sa “good behavior” na ipinakita umano ng convicted rapist at murderer sa loob ng halos tatlong dekada nitong pagkakakulong.

Mariing kinondena ng netizens at ilang celebrities ang kaganapang ito.

Si Sanchez ay nahatulan ng hukuman ng seven life terms—o 360 taong pagkakakulong—noong March 1995 dahil sa panggagahasa at karumal-dumal na pagpatay sa UPLB student na si Eileen Sarmenta at sa boyfriend nitong si Allan Gomez.

Mula 1995, nakapiit na ang dating alkalde sa maximum compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa.

Isa sa mga abugado noon ni Sanchez ay si Salvador Panelo, na ngayon ay nanunungkulan bilang Presidential Spokesperson sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil sa Republic Act 10592—o The Law that Increased the Good Conduct Time Allowance Given to Inmates—na pinirmahan ni dating Pangulong Noynoy Aquino noong May 2013, maaaring mabawasan ang prison terms ni Sanchez at posible siyang makalaya.

Continue reading below ↓

Noong Martes, August 20, inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevara na kabilang si Sanchez sa mahigit 10,000 preso na malapit nang palayain dahil sa pagpapakita ng magandang asal sa loob ng bilangguan.

NO TO SANCHEZ’S RELEASE

Ngayong araw, August 22, sunud-sunod ang posts sa social media ng ilang celebrities na nadismaya sa napipintong pagpapalaya sa dating alkalde na convicted rapist at murderer.

Pahayag ni Bianca Gonzalez (published as is): “Mas madami namang ibang deserving ng second chance.. yung nagnakaw ng cellphone o delata para may pangkain ang pamilya niya.. madaming kasong ganun sa kulungan.. di hamak na mas deserving sa second chance kumpara sa proven guilty na rapist at killer.”

Continue reading below ↓

Ayon naman kay Direk Quark Henares: “I was in the Seventh Grade when Mayor Sanchez killed Eileen Sarmenta.

"That’s when i first heard about pedophilia and gang rape, and when I realized the world was not a nice place. I got a physical reaction finding out he was freed.”

Sinegundahan naman siya ni Bianca at ni-retweet ng TV host ang post ni Quark.

Continue reading below ↓

Sabi ni Bianca: “Batang grade school ako nung nakita ko yun sa balita and same reaction.. dun ko naramdaman at nakita na may kasamaan pala sa mundo.”

SUNSHINE CRUZ: "I FEEL FOR EILEEN'S MOM AND FAMILY..."

June 28, 1993, ipinalabas ang pelikulang Humanda ka Mayor!: Bahala na ang Diyos, na loosely based sa krimeng ginawa ni Mayor Sanchez.

Continue reading below ↓

Isa sa kasama sa pelikula ay si Sunshine Cruz.

Masakit din daw para sa aktres ang balitang palalayain ang dating alkalde.

Pahayag ni Sunshine sa kanyang Facebook post (published as is):

“I played Eileen Sarmenta in a movie I did before under Regal/Golden Lions.

"Kuya Dick Israel played the Mayor convicted of rape and murder.

"I remember being so scared of Kuya Dick Israel dahil sobrang galing umarte.

"Sobrang realistic that it was really scary.

"To those people saying that Sanchez deserves to be freed, think twice..

"If something like that happens to one of your relatives or daughters, I am sure hindi nyo yan sasabihin.

"Nakakatakot malamang may ganyang klase ng tao na never nagkaron ng remorse na maaaring malayang makakagalaw.

"I feel for Eileen’s mom and family…"

Continue reading below ↓

AIKO MELENDEZ CALLS OUT SENATOR BATO DELA ROSA

Hindi naman napigilan ng Prima Donnas actress na si Aiko Melendez na tawagin ang pansin ng bagitong senador na si Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Sinabi kasi ng mambabatas na posibleng bigyan ng second chance si Sanchez dahil naging maayos naman daw ang conduct nito sa kulungan.

Bahagi pa ng pahayag ni Dela Rosa sa ANC ngayong araw: “(If) it is determined by the Board of Pardon(s) and Parole that he (Sanchez) deserved that commutation, then why not?

"He deserve(s) a second chance in life."

Dagdag pang pahayag ng dating PNP Chief, “According to corrections officers, nagbait na daw [si Sanchez].

"In fact, nakikita nila na nagpapalda na nga daw, so changed man na talaga siya, changed man.

"Bumait na, hindi na siga."

Reaksiyon dito ni Aiko, sa pamamagitan ng kanyang Facebook post (published as is):

“Oh My LORD! Sen Bato, may i just ask what if kamag anak mo ung narape po ni Mayor Sanchez, will you still give him a chance? A chance is free for all, who sincerely changed.

Continue reading below ↓

"But being caught recently with shabu in his cell? Is it a chance that he deserve a 2nd or 3rd chance atleast?!!!

"Whew!! What happened to your advocacy of fight against DRUGS?!”

Buwelta pa ni Aiko: “At ano kinalaman na nakapalda na ngayon si mayor sanchez?

"sen Bato? Can you expound pls. So pag nakapalda nagbago?

Continue reading below ↓

"Or nagbago ng sexual preference po ba? So paano kng mang rape ng lalaki?

"Tama pa dn ang 2nd chance? Sus mio!

"Ke babae or lalaki or lgbt ka kng me sala ka pagbayaran mo! Buti sana kng after the crime committed wala sya ginawa na kasamaan, malinaw me droga sa selda.

"So 2nd chance un?

"Wow ah! Senator Bato binoto pa naman kita po ah.

"Wag nyo naman po sayangin un.

"Nagising ako maaga para maiboto mga gusto at karapat dapat na maupo at maglingkod sa tao!”

Continue reading below ↓

ANGELICA PANGANIBAN, ANGEL LOCSIN REACT TO TONET JADAONE'S POST

Isang mahabang post naman sa Instagram ang ibinahagi ng direktor na Tonet Jadaone.

Sabi niya (published as is): “PLEASE TAKE TIME TO READ. NAMNAMIN. AT MAGALIT.

"(Words not mine. Caption lifted from Desiree Carlos’s public Facebook post.)

"You want that former Calauan Mayor Sanchez released?

"Think again, please.

"Here are the facts that came out from testimonies and NBI and medical reports immediately after the bodies of Eileen Sarmenta and Allan Gomez were found.

"1. Sarmenta interviewed Sanchez for a school paper. Sanchez showed interest in Sarmenta.

"2. Sarnenta was abducted after the interview while with her boyfriend Gomez.

"3. They were brought to Sanchez' place.

"4. Sarmenta was RAPED BY SANCHEZ, then..

"5. Sanchez GAVE SARMENTA to his bodyguards

"6. SARMENTA HAD ONLY A T-SHIRT ON when Sanchez GIFTED her to his men. SHE HAD NO UNDERWEAR AT ALL.

"7. The bodyguards put her inside the back of the van.

Continue reading below ↓

"8. THEY TOOK TURNS RAPING HER.

"9. The bodies of Sarmenta and Gomez were found days after.

"My fingers are shaking while writing this. My head feels like it is swelling.

"My hands are clammy.. feeling cold and wet.. clammy..

"I can feel the onset of an anxiety attack.

"Why do I remember these details?

"I put together or edited 15-20 stories coming from the field from reporters who covered the investigation on the Sarmenta-Gomez rape-slay.

"I was the deskman handling this story every day for so many disturbing days for me.

"In one of those afternoons I was putting together all stories for a front page story as deskman of Malaya, I HAD MY FIRST PANIC OR ANXIETY ATTACK.

"Since then I have had to deal with anxiety attacks. I was diagnosed only a few years ago as suffering from post-traumatic stress disorder or PTSD.

"The TRIGGER or the detail that triggered my anxiety attack then:

Continue reading below ↓

"THE MEDICO -LEGAL REPORT SHOWED THAT THE SEMEN FOUND INSIDE EILEEN SARMENTA FILLED A CAN OF SARDINES.

"VISUALIZE that and KNOW that Eileen, so beautiful and sweet-looking with such a wonderful future ahead of her before she crossed path with the CONVICTED Sanchez , was RAPED by so many men.. gifted by Sanchez to his men.

"Now, pray tell, you want Sanchez released? — From Desiree Carlos, Facebook post."

Continue reading below ↓

Kabilang sa nagkomento rito ay ang Kapamilya actresses na sina Angel Locsin at Angelica Panganiban.

Komento ni Angel, “Naalala ko to. This is pure EVIL. Nakakanginig laman.”

Sagot ng direktora, “@therealangellocsin wala silang kaluluwa.”

Sabi naman ni Angelica, “Naalala ko ang mukha ni Sanchez. Nasusuka ko.”

Tugon ni Direk Tonet, “@iamangelicap hayup talaga. Mukha ng walang kaluluwang rapist.”

Continue reading below ↓

EDU MANZANO, KIM CHIU

May tanong naman ang aktor na si Edu Manzano tungkol sa maingay na usaping ito.

Bukod kasi kay former Mayor Sanchez, may sampung libo pang kriminal ang maaaring makalabas dahil sa RA 10592.

Post ni Edu sa Twitter (published as is): “Were all the other 11,000 inmates also convicted of rape and murder?

Continue reading below ↓

"What don’t they get about multiple life sentences? #calauanlaguna #heinouscrime.”

Isang cryptic post naman ang ibinahagi ni Kim Chiu sa kanyang Instagram Stories.

Sa kanyang mensahe, pinasaringan ni Kim ang ibang netizens na nag-post tungkol sa wildfires sa Amazon rainforest sa Brazil.

Bakit daw inuuna pa nila ang mga nangyayari sa ibang bansa gayong may kinahaharap tayong malaking problema sa ating batas.

Continue reading below ↓

Saad ng Kapamilya star (published as is):

“a lot of us may post about amazon, but what about our country?

“what is happening to ph govt, ph law?

“we voted in order to have chance, to change for the better, to change for improvement but what is happening right now?

“we live in a democratic country we have the freedom of speech.

“This is just my opinion. #concernedcitizen.”

Continue reading below ↓

NOT ANYTIME SOON

Ngayong Huwebes ng hapon, inihayag naman ni Bureau of Corrections Chief Nicanor Faeldon na hindi ganoon kadaling mapalaya ang convicted rapist at murderer na si Sanchez.

Ayon daw kasi sa kanilang initial assessment, hindi kuwalipikado ang dating alkalde para mapalaya ng batas.

Pahayag niya sa GMA News, “Preliminary, kasi marami siyang involvement sa some not good behaviors, e, baka hindi nga siya qualified, that’s really the probability.

“He may not be qualified to go home today or in the next few months, mukhang hindi siya makakapasok agad.

"Baka abutin pa siya ng several years.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrities Aiko Melendez, Angelica Panganiban, Angel Locsin, and Kim Chiu air their frustration over possible early release from prison of former Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.
PHOTO/S: Noel Orsal / Shaira Luna
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results