Julia Barretto on Bea Alonzo-Gerald Anderson breakup: "Wala akong inahas."

by Rachelle Siazon
Aug 22, 2019
Julia Barretto says she and Gerald Anderson are not in a relationship: "Therefore, wala akong inagawan ng boyfriend, wala akong inahas, at wala din akong nilandi."
PHOTO/S: Shaira Luna / Noel Orsal / Cyrus Panganiban for PEP.ph
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

"Wala akong inahas."

Ito ang mariing pahayag ni Julia Barretto sa akusasyong siya ang third party sa hiwalayan ng magkasintahang Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Wala rin umanong katotohanan ang espekulasyong magkarelasyon na sila ni Gerald, na nakatambal niya sa pelikulang Between Maybes na ipinalabas noong Mayo 2019.

Saad ni Julia: "Hindi ko siya naging boyfriend and hindi ko siya boyfriend ngayon.

"Therefore, wala akong inagawan ng boyfriend, wala akong inahas, at wala din akong nilandi."

Sinagot din ni Julia ang lumabas na balita sa Cabinet Files ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kunsaan isang source ang nagsabing umamin si Gerald na "nanliligaw" siya kay Julia.

Sinabi raw ito ni Gerald nang magkausap sila sa telepono ng ama ni Julia na si Dennis Padilla.

Mariin itong pinabulaanan ni Julia.

Pahayag niya, "Hindi ako nililigawan.

"Naniniwala ako na may tamang panahon at oras para sa mga bagay na ganyan.

"Pero nananatili siyang matalik kong kaibigan ngayon."

Continue reading below ↓

Inihayag ito ni Julia sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN Entertainment News reporter na si MJ Felipe, na inilathala ngayong Huwebes, August 22.

Noong August 6, matapang na naglabas ng saloobin si Julia hinggil sa diumano'y hindi makatarungang pagsangkot sa kanya ni Bea sa hiwalayan nito at ni Gerald.

Sa kanyang Instagram post noon, diretsahang sinabi ni Julia na pailalim diumano siyang siniraan ni Bea nang mag-react ito sa umano'y "harmless photos" nina Julia at Gerald na kumalat sa social media.

Ani Julia, naging mitsa iyon upang batikusin siya nang husto ng netizens sa social media.

Sa latest interview kay Julia, ayaw na raw niyang magsisihan pa sa kinasangkutan nilang isyu nina Bea at Gerald.

"She’s hurting, he's hurting, but so am I.

"I'm really in so much pain right now. But kailangan magpakatatag, e.

"We have to get back on our feet, and move forward, and heal from this."

Dagdag ni Julia, silang tatlo ay may kanya-kanyang pinagdadaanang sakit.

Continue reading below ↓

"Wala kaming choice. We just have to respect each other's pain.

"Everyone is hurting. Hindi madali yung pinagdadaanan naming tatlo."

BEA AND GERALD'S BREAKUP

Unang pumutok ang kontrobersiya sangkot ang tatlong Kapamilya stars nang magpahiwatig si Bea sa kanyang Instagram tungkol sa pinagdadaanan nilang problema ni Gerald noong July 21.

Nasundan ito ng pag-like ni Bea sa ni-repost ng netizens na litrato nina Julia at Gerald, na kuha sa labas ng restobar ng dinaluhan nilang birthday party ni Rayver Cruz.

July 23 nang lumabas sa Cabinet Files ang impormasyong kinumpirma ni Gerald kay Dennis na hiwalay na sila ni Bea at nanliligaw siya kay Julia.

Nang makapanayam si Bea ng ABS-CBN News noong July 26, sinabi niyang wala silang formal breakup ni Gerald at bigla na lang siyang hindi kinausap ng nobyo.

Bunsod nito, lalong naging tampulan ng espekulasyon sa social media ang umano'y panggo-ghosting ni Gerald kay Bea.

Continue reading below ↓

GERALD CLEARS JULIA

Sa bersiyon ni Gerald, nang makapanayam ito noong August 5, pinabulaanan ng aktor na si Julia ang dahilan ng breakup nila ni Bea.

Giit ni Gerald, nagkaroon sila ni Bea ng sunud-sunod na hindi pagkakasunduan at isang "one big fight" na naging mitsa umano ng pagkawala ng komunikasyon sa pagitan nila ng aktres.

Hindi na raw siya nagkaroon ng pagkakataong makausap pa si Bea, dahil nang pumutok ang isyung hiwalay na sila ay hindi na siya kinausap pa ng ex-girlfriend.

Sa kabilang banda, inamin ni Gerald na nagkausap sila sa telepono ng ama ni Julia, pero hindi nilinaw ng aktor ang isyung nanliligaw na siya kay Julia.

Gayunman, aminado si Gerald na nagkausap sila ni Julia hinggil sa kinasangkutan nilang kontrobersiya.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto says she and Gerald Anderson are not in a relationship: "Therefore, wala akong inagawan ng boyfriend, wala akong inahas, at wala din akong nilandi."
PHOTO/S: Shaira Luna / Noel Orsal / Cyrus Panganiban for PEP.ph
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results