Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Jimuel Pacquiao clears ex-girlfriend Heaven Peralejo on credit-card issue

by Arniel C. Serato
Aug 23, 2019
Jimuel Pacquiao on credit-card issue against ex-girlfriend Heaven Peralejo: "Yung lahat po ng naririnig niyo tungkol sa money, yung mga ganun, hindi po totoo yun. Hindi po siya ganun.”
PHOTO/S: Screenshot from Janna Chu Chu Fontanilla on YouTube

Ipinagtanggol ni Jimuel Pacquaio, 19, ang ex-girlfriend na si Heaven Peralejo, 19, kaugnay ng balitang kaya sila naghiwalay ay dahil diumano sa paggamit ng dalaga sa credit card ng binata upang ipag-grocery ang pamilya nito.

Sa isang event, may limang araw na ang nakalilipas, nakapanayam ng entertainment reporter na si John Fontanilla ang dating magsing-irog.

Dito ay mariing pinabulaanan ng panganay na anak ng Pambansang Kamao na si Senator Manny Pacquiao at ni Jinkee Pacquiao ang mga akusasyon laban kay Heaven.

Sabi ni Jimuel, “Yung lahat po ng naririnig niyo tungkol sa money, yung mga ganun, hindi po totoo yun.

“Hindi po siya ganun.”

Nauna na ring itinanggi ni Heaven ang tungkol dito.

Sa panayam sa kanya noong August 14, sinabi ng Kapamilya artist, “Hindi naman po kasi totoo.

“Wait, gusto ko lang i-clarify yung sa grocery, as in, never happened yun.

“Hindi ko alam kasi never din kaming nag-grocery together.

Continue reading below ↓

“So, I don’t know how it happened.”

Kasunod nito ang pagkumpirma ni Heaven na hiwalay na nga sila ni Jimuel.

Sa ngayon, nananatili raw silang magkaibigan kahit hiwalay na.

Nagkukumustahan pa rin daw sila paminsan-minsan.

Wala rin daw problema kung pagsasamahin sila sa ilang proyekto.

Sabi pa ni Jimuel, “Walang problema.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jimuel Pacquiao on credit-card issue against ex-girlfriend Heaven Peralejo: "Yung lahat po ng naririnig niyo tungkol sa money, yung mga ganun, hindi po totoo yun. Hindi po siya ganun.”
PHOTO/S: Screenshot from Janna Chu Chu Fontanilla on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results