Seth Fedelin asks Andrea Brillantes to be his date to ABS-CBN Ball in a romantic way

by Bernie V. Franco
Aug 23, 2019
Seth Fedelin asks Kadenang Ginto leading lady Andrea Brillantes to be his date to this year's ABS-CBN Ball in a romantic way.
PHOTO/S: @imsethfedelin on Instagram

Effort ang ginawang pagyaya ni Seth Fedelin, 17, sa ka-love team na si Andrea Brillantes, 16, para maging ka-date nito sa ABS-CBN Ball.

Hindi naman nabigo si Seth dahil pumayag ang kanyang leading lady sa Kadenang Ginto na maging ka-date niya sa annual ball ng Kapamilya stars na gaganapin sa September 14, 2019.

Ipinost ni Andrea sa social media ang maiksing video at pictures ng sorpresa sa kanya ni Seth nitong August 21, Miyerkules.

Pagbukas ng pinto, bumulaga ang candle-lit room na may dekorasyon pang mga pulang lobo, habang maririnig naman sa background ang kanta ni Daniel Padilla na “Kasama Kang Tumanda.”

Kita rin ang mga kandilang dinisenyuhan ng puso at pana ni Kupido.

Bukod dito ay may sorpresa pang bouquet of sunflowers at malaking dog stuffed toy si Seth para kay Andrea.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pinasalamatan naman ni Seth si Andrea sa pagpayag nitong maging ka-date niya.

“Salamat marga este ms. @blythe sa pagpayag na maging kapartner ko sa darating na AbsCbn Ball.

“At lagi mong tatandaan Kahit na anong sabihin ng iba respeto ko sa iyo ay kailanman hindi mawawala," romantikong caption ni Seth.

Continue reading below ↓

Abot-abot naman ang pasasalamat ni Andrea sa kanyang leading man.

“First time experiencing a surprise like this!!

"Thank you potchi! @imsethfedelin syempre di naman ako tatanggi maging partner mo sa Abs Cbn ball lakas mo sakin eh.”

Sa comments section, napa-react naman ang ilang artista kagaya nina Tony Labrusca, Neil Coleta, at Maymay Entrata.

Biro pa ni Tony, akala niya ay nag-propose na si Seth kay Andrea.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Seth Fedelin asks Kadenang Ginto leading lady Andrea Brillantes to be his date to this year's ABS-CBN Ball in a romantic way.
PHOTO/S: @imsethfedelin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results