Veteran actress Mona Lisa dies at 97

by Erwin Santiago
Aug 25, 2019
Veteran actress Mona Lisa died in her sleep on Sunday, August 25. She was 97.
PHOTO/S: File photo

Pumanaw na ang batikang aktres na si Mona Lisa.

Inanunsiyo ng aktres at MOWELFUND president na si Boots Anson Rodrigo ang malungkot na balitang ito.

Ayon kay Boots, pumanaw si Mona Lisa habang natututulog ngayong Linggo, August 25. Siya ay 97 years old.

Buong pahayag ni Boots: "Mowelfund announces the demise of its lifetime member, multiawarded actress, Mona Lisa, who died in her sleep today, August 25, at the age of 97.

"Viewing starts August 26 at Loyola Memorial Chapels 1 and 2 in Sucat, Parañaque.

"Interment is on August 30 at 3pm."

Si Mona Lisa—Gloria Lerma Yatco sa tunay na buhay—ay unang nakilala sa screen name na Fleur de Lis bago mag-World War II.

Gumawa ng kasaysayan si Mona Lisa bilang kauna-unahang aktres sa Pilipina na nagsuot ng bathing suit sa pelikula. Ito ay sa pelikulang Giliw Ko ng LVN Pictures, kung saan nakasama niya sina Mila del Sol, Ely Ramos, at Fernando Poe Sr.

Continue reading below ↓

Kabilang sa di malilimutang pelikula ni Mona Lisa na tumatak sa marami ay ang Insiang (1976), kung saan gumanap siyang ina ni Hilda Koronel; Itim (1976) bilang ina ni Charo Santos; Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak (1978), kung saan gumanap siyang ina ni Bembol Roco; at Cain At Abel (1982) bilang ina nina Christopher de Leon at Phillip Salvador.

Dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa Insiang, itinanghal na Best Actress si Mona Lisa sa FAMAS at Gawad Urian noong 1977.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actress Mona Lisa died in her sleep on Sunday, August 25. She was 97.
PHOTO/S: File photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results