Vice Ganda, Ion Perez steal the show at All-Star Games 2019

by Allan Sancon
Aug 26, 2019
Vice Ganda runs to rumored boyfriend Ion Perez and gives him a hug mid-court after Ion scored a three-point shot during the main match between Team Vice and Team Gerald at the All-Star Games 2019 held this Sunday at the Araneta Coliseum.
PHOTO/S: Allan Sancon

Nagsama-sama ang ilan sa pinakamalalaking artista ng ABS-CBN para sa All-Star Games 2019 na ginanap sa Smart Araneta Coliseum nitong Linggo, August 25, 2019.

Naging mainit ang labanan ng Team Jerome at Team Elmo (basketball), Team Julia at Team Kim (volleyball), at ang pinakahihintay na Main Game ng Team Vice/It's Showtime at Team Gerald/Daniel (basketball).

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Bukod sa mismong games sa hardcourt, mas lalong nagpakulay sa friendly games na ito ang ilang sidelights na nasaksihan ng mga nanood sa Big Dome.

KILIG MOMENTS

Pinakilig ng rumored couple na sina Vice Ganda at Ion Perez ng Team Vice ang audience.

Matapos kasing maka-three points ni Ion ay biglang tumakbo si Vice sa court para yakapin ang rumored boyfriend.

Continue reading below ↓

May pagkakataon pang magka-holding hands sila habang nagdi-dribble ng bola si Ion.

Bagamat sa huling interview ni Ion ay sinabi niyang magkaibigan lang sila ni Vice.

Agaw-eksena rin ang flying kiss ni Xian Lim sa kasintahang si Kim Chiu bago mag-service ang aktres bilang good luck.

Kinilig naman ang lahat ng nasa Araneta habang tinutugtog ang "Ikaw Nga Ba Si Mr. Right?" ni Kim.

Continue reading below ↓

Dumalo rin sa All-Star Games si Kathryn Bernardo para sumuporta kay Daniel Padilla at may pa-good luck kiss pa ito backstage.

Continue reading below ↓

FUNNY AND ACTION SCENES

Palakpakan din ang audience nang maka-three points si Ryan Bang.

Dahil sa tuwa ng mga taga-It's Showtime ay nilapitan nila si Ryan at hinubaran ito hanggang sa mapunit ang jersey niya.

Continue reading below ↓

Ang tanging trabaho ni Ryan Bang sa court ay bantayang mabuti si Gerald Anderson na ikinalilito naman ni Gerald.

Medyo mainit ang lababan ng Team Vice at Team Gerald na naging dahilan ng magtamo ng sugat sa bandang kilay si Zanjoe Marudo pagkatapos siyang tamaan ni Eric Tai ng It's Showtime.

Continue reading below ↓

Sa 4th Quarter ng basketball game sa pagitan ng Team Gerald/Daniel at Team It's Showtime ay pinasok si Vice Ganda.

Palakpakan ang lahat nang maka-shoot ito mula sa free throw line dahil na-foul siya ni Daniel Padilla.

Continue reading below ↓

THE WINNERS

Sa huli ay nagwagi ang Team Jerome laban sa Team Elmo, ang Team Kim laban sa Team Julia, at Team Gerald/Daniel laban sa Team It's Showtime.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda runs to rumored boyfriend Ion Perez and gives him a hug mid-court after Ion scored a three-point shot during the main match between Team Vice and Team Gerald at the All-Star Games 2019 held this Sunday at the Araneta Coliseum.
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results