Gerald Anderson’s mom unleashes a mouthful vs Bea Alonzo

by Arniel C. Serato
Aug 26, 2019
Gerald Anderson's mom Evangeline Opsima (left) to Bea Alonzo: “Bea, siguro alam mo na ako walang gusto sa'yo bilang naging girlfriend ng anak ko. Pero wala akong magagawa, ginusto ka ng anak ko. Ina niya lang ako.”
PHOTO/S: Courtesy: @andersongeraldjr / @beaalonzo on Instagram

Lumalabas na masama talaga ang loob ng ina ni Gerald Anderson na si Evangeline "Vangie" Opsima sa ex-girlfriend ng anak na si Bea Alonzo.

Ito ay base sa full interview ng TV Patrol South Central Mindanao sa General Santos City kay Mommy Vangie noong Biyernes, August 23.

Sa ulat na lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Sabado, August 24, sinabi ng ina ni Gerald na hindi niya gusto si Bea para sa anak.

Sa dagdag na pahayag ni Mommy Vangie, sumama ang loob niya dahil ginawa raw malaking isyu ni Bea ang hiwalayan nila ni Gerald, na hindi naman daw nito ginawa noong naghiwalay sila ni Zanjoe Marudo.

Pahayag ni Mrs. Opsima sa ulat na lumabas na rin sa ABS-CBN News, “Hiniwalayan mo si Zanjoe.

“You didn't say anything laban kay Zanjoe.

“Naghiwalay kayo na matagal kayong [may] relasyon na ilang taon.

“Dumating sa buhay mo si Gerald.

Continue reading below ↓

“Ngayon, tuwing may kamali ang anak ko, tuwing may nagawang mali si Gerald, agad kang lumantad sa TV.

“Niliit mo ang anak ko.”

Sinabi rin ni Mommy Vangie na kahit hindi niya gusto ang Kapamilya actress para kay Gerald, wala siyang nagawa dahil ang anak niya ang nasusunod pagdating sa buhay pag-ibig nito.

“Bea, siguro alam mo na, ako, walang gusto sa 'yo bilang naging girlfriend ng anak ko.

“Pero wala akong magagawa, ginusto ka ng anak ko.

"Ina niya lang ako."

Dagdag pa niya, "Ginusto ka ng anak ko, minahal ka ni Gerald.

"Hindi ka niya binastos kailanman.”

SETTLE THEIR BREAKUP PRIVATELY

Noong July 21, umugong ang balitang nagkakalabuan na sina Bea at Gerald dahil sa cryptic post ng aktres sa kanyang Instagram tungkol sa “panloloko.”

Kasunod kasi ito nang pag-viral ng mga larawan at videos nina Gerald at ni Julia Barretto, 22, na nakunan ng netizens na magkasamang dumalo sa birthday party ni Rayver Cruz sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Continue reading below ↓

Simula noon, naging usap-usapan na ang tungkol sa hiwalayan ng dalawa at ang itinuturong third party diumano ay si Julia.

Ayon pa kay Mommy Vangie, sana ay inayos nina Gerald at Bea ang kanilang problema kaysa pag-usapan ito sa publiko.

“Ngayon, kung may problema kayong dalawa, bakit hindi kayo nag-uusap dalawa?

“Instead na lumantad ka agad sa TV?"

Diin pa ng ina ni Gerald, “Hindi masamang tao ang anak ko.”

Humingi naman ng dispensa si Mommy Vangie sa anak dahil sa kanyang pagtatanggol dito.

Ina lamang daw siyang hindi kayang manahimik lamang habang binabatikos ang anak.

Saad pa nito, "I'm sorry, RJ, I know you're going to get mad to Mama.

“I think, son, it's time to voice out anong naramdaman ko, saan nasasaktan si Mama."

BEA ALONZO: “LORD, I LIFT UP EVERYTHING TO YOU.”

Sa kabilang banda, nananatiling tahimik si Bea pagkatapos magbigay ng pahayag sina Gerald at Julia, at ngayon ay ng ina ni Gerald, tungkol sa hiwalayan nila ng aktor at pagkakadawit ni Julia sa isyu.

Continue reading below ↓

Ngunit sa kanyang Instagram Stories ngayong araw, August 26, isang makahulugang mensahe ang ibinahagi ni Bea na posibleng naglalarawan ng nararamdaman niya sakasalukuyan.

Nakasaad dito: “…And then God stepped in.

“Lord, I lift up everything to you.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson's mom Evangeline Opsima (left) to Bea Alonzo: “Bea, siguro alam mo na ako walang gusto sa'yo bilang naging girlfriend ng anak ko. Pero wala akong magagawa, ginusto ka ng anak ko. Ina niya lang ako.”
PHOTO/S: Courtesy: @andersongeraldjr / @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results