Vice Ganda asked about 'we're just friends' statement of Ion Perez

by Bernie V. Franco
Aug 26, 2019
What is Vice Ganda's reaction to Ion Perez's statement that they are just friends?
PHOTO/S: @viceiion on Instagram / Allan Sancon

Hindi pa rin humuhupa ang pag-uusisa ng publiko sa tunay na estado ng relasyon nina Vice Ganda at Ion Perez o Kuya Escort.

Ito ay kahit sinabi ni Ion na magkaibigan lang sila ni Vice.

Sa panayam niya sa storycon ng pelikulang Mang Kepweng noong nakaraang linggo, tahasang itinanggi ni Ion ang napababalitang relasyon nila ni Vice.

Saad niya, “Ano lang kami, sobrang malapit lang kami sa isa't isa, kaya siguro yung mga tao sobrang nag-iisip sila... ganoon yung reaksiyon nila.

“Sobrang malapit lang kami sa isa't isa.”

Sinabi rin ni Ion na mahal niya si Vice bilang kaibigan.

Ang sigurado ay ang kanilang closeness, gaya ng nasaksihan ng mga nanood ng ABS-CBN All-Star Games 2019 sa Smart Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City, nitong Linggo, August 25.

VICE GANDA REACTS TO ION'S STATEMENT

Bago ganapin ang basketball game sa pagitan ng koponan ni Vice laban sa team nina Gerald Anderson at Daniel Padilla, natanong ng ilang entertainment press ang It's Showtime main host tungkol kay Ion.

Continue reading below ↓

Ipinost ang interview sa Instagram account ng Tonight With Boy Abunda, ang Kapamilya late-night entertainment talk show.

Dito ay inusisa si Vice kung sino sa tingin niya ang pinakamahusay na player sa kanyang grupo, ang Team Vice.

“I think si Ion ang pinakamagaling. I heard si Ion ang pinakamagaling,” sagot ni Vice, na abot-tenga ang ngiti.

Nagawa pang magbiro ni Vice nang tanungin kung binantayan ba niya ang training ni Ion.

“Ako, oo. Kumuha pa kami ng coach from NBA to personally make tutok sa kanya.

“Magaling, magaling 'yan. Tataya akong P1,500,” biro niya.

Pagkatapos ay diretsahang tinanong si Vice tungkol sa mga bumabatikos kay Ion dahil sa pahayag nitong magkaibigan lang sila.

“Ay, happy lang kami. Happy lang kami,” paiwas na sagot ni Vice.

Hindi ba niya papatulan ang mga bashers nila ni Ion.

“Sa happiness lang tayo,” pakli ni Vice.

VICE AND ION PUBLIC DISPLAY OF AFFECTION

Wala namang pangingimi ang pagpapakita ni Vice ng pagiging malapit nila ni Ion sa ABS-CBN All-Star Games 2019.

Continue reading below ↓

Agaw-atensiyon ang dalawa nang biglang tumakbo sa court si Vice para yakapin si Ion, matapos maka-three points ang huli.

Sa isa pang punto ng laro ay magka-holding hands pa ang dalawa habang nagdi-dribble ng bola si Vice.

Pero hindi lang sa mismong game ipinakita ng dalawa ang kanilang closeness.

Maging sa kanilang social media accounts, sunud-sunod ang pagpu-post nina Vice at Ion na nagpapakita ng kanilang sobrang pagiging malapit.

Ipinost ni Vice ang ilang videos ng mga ka-team niya, kagaya nina Vhong Navarro, Ryan Bang, Jhong Hilario, Billy Crawford, at mga miyembro ng Hashtags.

Ipinost din niya ang ilang videos ni Ion habang naghahanda para sa laro.

Sa isang video, may mga paalala pa siya sa therapist na tumutulong kay Ion sa stretching nito.

Continue reading below ↓

Ani Vice, “Kuya, dahan-dahan lang. Hindi siya puwedeng masaktan. He's a baby.”

Sa Instagram Story naman ni Ion, ipinost niya ang isinuot na sneakers sa game kahapon.

Sa pares ng sapatos ay mababasa ang signature ni Vice Ganda.

Continue reading below ↓

Ipinasok si Ion sa It's Showtime noong nakaraang taon bilang usher ng mga kandidata sa "Miss Q and A" segment ng programa.

Binigyan siya ng exposure sa show at itinukso kay Vice, hanggang sa tuluyan na silang nagkapalagayang loob.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
What is Vice Ganda's reaction to Ion Perez's statement that they are just friends?
PHOTO/S: @viceiion on Instagram / Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results