Mona Lisa spent last three years of her life with Alzheimer's disease

by Jerry Olea
Aug 27, 2019
Celine Fabie on her late grandmother Mona Lisa (right): "It was hard for her to receive care, to receive love. Kasi, sanay siya na siya iyong bigay nang bigay."
PHOTO/S: Jerry Olea / File photo

May Alzheimer’s Disease ang premyadong aktres na si Mona Lisa sa huling tatlong taon ng buhay niya.

“Mahirap lang siyang alagaan, kasi ayaw niyang magpaalaga,” nakangiting kuwento ng apo niyang si Celine Fabie nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Agosto 26, Lunes ng gabi, sa Loyola Memorial Park, Sucat Rd., Parañaque City.

Patuloy niya, “So, doon ko na-realize kung gaano talaga si Lola... kasi nga, breadwinner siya since she was 15 years old.

“So, noong nag-Alzheimer’s na siya, she kept on talking about money—as in may mga pera kaming nakatago kung saan-saan, bayaran si ganyan.

“Concerned siya, halimbawa, pag dadating ako. ‘Nabayaran ka na ba?’ Hindi siya sanay na nandiyan lang ang tao for her, na alagaan siya.

“So, it was hard for her to receive care, to receive love.

"Kasi, sanay siya na siya iyong bigay nang bigay.

“So, naawa ako. Parang doon ko na-realize kung gaano ka-hindi sanay si Lola na inaalagaan, minamahal siya.

Continue reading below ↓

“Kasi, parang siya iyong sanay na... and then, feeling niya, kailangan, pera.

"Kasi nga, all her life noong nag-showbiz siya, parang... ang pera niya, laging straight sa family.

“Parang everyone needed money from her. So, until her old age, iyon ang focus niya.

“Alzheimer’s niya, may perang nakatago diyan. May helicopter kami!

"Ang yaman-yaman namin nitong last three years! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Sobrang yaman namin!

"Ang sarap-sarap ng buhay namin! May helicopter daw kami na pampasundo.

"'Tapos, may PHP1M kaming tseke. Ganyan..."

Saan kaya galing ang helicopter na iyon?

“Basta lang, I think, nag-iimbento siya on the spot pag parang nanenerbiyos siya... na kailangan, may solusyon.

"Like, meron siyang... sunduin niya iyong ganyan. May helicopter.”

She led such a colorful life!

“She’s a colorful person,” pagsang-ayon ni Celine.

ACCEPTANCE

Maluwag sa kalooban ni Celine ang payapang pagpanaw ng kanyang lola noong Agosto 25, Linggo ng hapon, sa edad na 97.

Continue reading below ↓

“Kasi, iyong lola ko rin sa dad ko, 99 years old... iyong last years niya, ganoon din, wala na, hindi na siya nagsalita. Wala na siyang maalala sa amin,” sambit ni Celine.

“At least, si Lola [Mona Lisa], kilala pa kami.

"So, parang nakakalungkot naman na wala na iyong quality of life.

Continue reading below ↓

“I think, noong una siyang inatake three years ago, talagang... iyon yung parang... masakit na masakit na mawawala siya.

“Akala namin talaga, she was going na sa ICU.

"And then... but typical lola, ilang beses na naming inakala na she was going, pero fighter talaga siya.

“Nag-joke pa kami, ‘Mukhang tatayo pa siya uli!’ Kasi, palaban talaga.

"So... matagal na rin na... parang nakailang praktis na kami of having to let her go.

“So, medyo sanay na kami, tanggap na namin na anytime.

“Siyempre, masakit pa rin. I was with RCS [Ryan Cayabyab Singers] sa Davao, katatapos lang naming mag-concert, noong na-message ako.”

MOST MEMORABLE FILMS OF MONA LISA

Anu-ano ang Top 3 na paborito niya sa mga pelikula ng kanyang lola?

“Ano ba ang favorite ko? Siguro Giliw Ko, Insiang, and Cain at Abel.

"Iyon ba? Oo,” matamang tugon ni Celine.

“Cute kasi nung Giliw Ko, saka musical siya. Cute siya.

Continue reading below ↓

Giliw Ko (1939) cast: (L-R) Mona Lisa, Ely Ramos, Mila del Sol, and Fernando Poe Sr.

"Dati, kumpleto siya sa YouTube. Ewan ko ngayon. Kasi, mas strict na sa YouTube ngayon.

“Iyong Cain at Abel, ambigat-bigat.

Continue reading below ↓

Mona Lisa in Cain at Abel (1982)

“Natatandaan ko, nang manood kami ng isang special screening ng Insiang sa SM, high school na yata ako, sinamahan ko siya...

“Hiyawan lahat noong si Hilda [Koronel], lumaban! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

"Galit na galit sila kay lola! Nandoon kami. Ha! Ha! Ha! Ha!"

Continue reading below ↓

Mona Lisa (right) with Hilda Koronel in Insiang (1976)

LAST PUBLIC APPEARANCE

Hunyo 22, 2013 ang huling public appearance ni Mona Lisa.

Kaarawan niya noon, at inilunsad ang libro tungkol sa kanyang buhay na isinulat ni Celine.

Sabi ni Celine, kahit noong maliksi pa ang kanyang lola ay ayaw na nitong lumabas sa publiko, at siya ang kinatawan ng beteranang aktres sa mga parangal na iginagawad dito.

Mother Ignacia: Ang Uliran (1998) ang huling pelikula ni Mona Lisa.

May mga offer pang pelikula kay Mona Lisa after that, pero hindi na niya kaya.

“Ang daming nangungulit, pero ayaw na niya,” pakli ni Celine.

Continue reading below ↓

Celine Fabie (left), Mona Lisa's garnddaughter who wrote the autobiography of the veteran actress.

LOLA'S GIRL

Walang balak si Celine na magpelikula. Ang forte niya, pag-awit at teatro.

Magka-alternate sila ni Aicelle Santos bilang Elsa sa muling pagpapalabas ng musical na Himala.

Lola’s Girl si Celine.

“My whole life, nandiyan siya. Siya talaga ang nag-alaga sa akin.

"Both my parents kasi, flight attendants," saad ng 35-anyos na si Celine.

“Before, ang Philippine Airlines, ang basing nila, mga one month silang mawawala. Doon sila sa Europe.

"So, naiiwan ako kay Lola. Siya ang nagpalaki sa akin.”

Napakaraming magagandang alaalang iniwan si Mona Lisa...

“She sings me to sleep noong bata ako,” lahad ni Celine.

“Nagkukuwento siya lagi pag gabi. Kinukuwentuhan niya ako ng stories na feeling ko, inimbento lang niya.

"Minsan, from the Bible. Minsan, nabasa niya.

“Kinakantahan niya ako ng 'Ang Pipit.' Kaya noong launch ng book niya, kinanta namin iyon.

Continue reading below ↓

“Si Mr. C [Ryan Cayabyab] kasi, may arrangement for Celeste Legaspi.

"Inayos niya for the three girls. Tatlo kasi kaming girl sa RCS...

“Funny story noong last movie niyang Mother Ignacia, nanood kami ng premiere niya. May scene siya na naka-bonnet siya!

“Ang cute-cute niya! E, napaka-no frills niya in person. Tawa nang tawa kami lahat!

"E, serious na serious iyong eksena. Humahagikhik kaming lahat.

“E, di ba, komedyante ang tita ko. ‘Si Lola!’ Tawa kami nang tawa.

"Hindi kasi normal na naka-knitted ano siya! Ganoon!

“Minsan, pag apat kaming magkakasama—si Lola, Mommy, Tita, ako—pagtatawanan namin.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celine Fabie on her late grandmother Mona Lisa (right): "It was hard for her to receive care, to receive love. Kasi, sanay siya na siya iyong bigay nang bigay."
PHOTO/S: Jerry Olea / File photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results