Paolo Ballesteros explains decision to come out

by Rachelle Siazon
Aug 27, 2019
At 36, Kapuso actor-host Paolo Ballesteros says it's the right timing for him to come out about his sexual orientation.
PHOTO/S: @pochoy_29 Instagram

Pinanindigan ni Kapuso actor-host na si Paolo Ballesteros ang pag-amin niyang "I'm a lady."

Pero hangga't maaari ay ayaw raw niyang gawing isyu pa ang tungkol sa kanyang sexual orientation.

Noong August 20, kaswal na umamin si Paolo na babae ang tingin niya sa sarili, bagay na matagal nang tampulan ng espekulasyon sa mundo ng showbiz.

Hindi inaasahang inihayag ito ni Paolo sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) lead correspondent na si Arniel Serato at contributing writer na si Rey Pumaloy, pagkatapos ng presscon ng The Panti Sisters, ang pinagbibidahang pelikula nina Paolo, Christian Bables, at Martin del Rosario.

"Nairita, chareng!" natatawang hirit ni Paolo tungkol sa pagtatanong tungkol sa kanyang kasarian.

Pero bawi ni Paolo, hindi siya nangiming sagutin ang isyu dahil nasa hustong edad na siya.

"Kasi, 36 years old na ako.

"I don't care about yung mga gender-gender. Wala naman akong ano diyan, e.

Continue reading below ↓

"Kasi, kahit na sabihin ko hindi, kahit na sabihin ko oo... Pag sinabi mong 'Hindi,' siyempre may magre-react.

"Pag sinabi mong 'Oo,' 'Naku, hindi naman na isyu iyan! Tagal na! Charurut, charurut!'

"I'd rather not answer that..."

Pabirong sabi pa ni Paolo, "Pero sinagot ko na, e... Kasi nga nairita na ako, chareng!"

Hindi man daw niya noon lantarang sinasabi na siya ay isang "lady," makikita naman daw sa kanyang kilos kung ano ang kanyang sexual orientation.

"Kung anuman ang ginagawa ko, hindi ko naman itinatago mga ginagawa ko. Naka-post naman online lahat ng mga ginagawa ko."

Inihayag ito ni Paolo sa panayam ni Boy Abunda sa ABS-CBN late-night talk show na Tonight With Boy Abunda, kagabi, August 26.

ON FALLING IN LOVE

Dito ay naging bukas din ang Eat Bulaga! Dabarkads sa pagsasabing maraming beses na siyang nagmahal at nasaktan.

"Too many to mention, kasi mabilis akong ma-fall. Wow!

Continue reading below ↓

"Ewan ko, siguro nga kasi mabait...

"Yung hindi ako nagpipigil. Kung meron akong gustong isang tao, pinapakita ko lahat.

"Kasi iniisip ko, siyempre, e, paano kung biglang mawala?

"Although, siyempre ako yung masasaktan madalas dahil ikaw yung ganun."

Aminado si Paolo na "seloso" siya dahil "loyal" din siyang karelasyon.

"Pero mali yung ganun, mali yung expectation, kasi dun tayo nasasaktan."

Sabay natatawang sabi niya sa sarili, "Huh! Alam mo naman pala!"

Hindi binanggit ni Paolo kung may bago nang nagpapatibok sa kanyang puso.

Sabi lang niya sa current state of mind niya, "Happy. And I'm good."

PAOLO'S RELATIONSHIP WITH DAUGHTER

Ipinagmalaki rin ni Paolo ang tungkol sa magandang relasyon niya sa kanyang 10-year-old daughter na si Keira.

Pangarap din daw ni Keira maging artista tulad niya.

"E, di iyan, napakaarte rin!

Patuloy ni Paolo, "She's very smart. Walang tanung-tanong gets na niya iyan.

"'Tsaka yung mga gamit ko sa bahay, nagsusuot ng heels, nagme-makeup-makeup na dun.

Continue reading below ↓

"Kapag merong Linggo ng Wika sa school, pagpasok niya ng school, bonggang-bongga siyang ganun, naka-false eyelashes pa siya. Kasi mine-makeup-an ko siya."

Sa Baguio naninirahan si Keira kasama ng ina nito, pero nakakasama raw ni Paolo ang anak kapag bakasyon o kaya sa tuwing lumuluwas ito ng Manila.

Sabi pa ni Paolo, maganda rin ang samahan nila ng ina ni Keira.

"We're friends. May room sila sa bahay. They can stay anytime sa bahay."

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
At 36, Kapuso actor-host Paolo Ballesteros says it's the right timing for him to come out about his sexual orientation.
PHOTO/S: @pochoy_29 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results