Bea Alonzo "chillin'" amid latest statements from Gerald, Julia camps

by Bernie V. Franco
Aug 27, 2019
Based on her latest Instagram posts, Bea Alonzo remainst optimistic despite recent statements coming from Gerald Anderson and Julia Barretto's camps.
PHOTO/S: Noel Orsal / @beaalonzo on Instagram

Nananatiling tahimik si Bea Alonzo kaugnay ng mga bagong pahayag ng kampo nina Gerald Amderson at Julia Barretto kaugnay ng controversial breakup nila ng aktor.

Higit isang buwan na ang nakalilipas mula nang pumutok ang hiwalayan nina Bea at Gerald, kung saan nadawit ang pangalan ni Julia na siyang itinuturong third party diumano.

Ang akala ng marami ay humupa na ang isyu tungkol sa kanilang tatlo, ngunit muli itong uminit dahil sa pagsasalita ng ina ni Gerald na si Evangeline "Vangie" Opsima.

Sa panayam ni Mommy Vangie sa TV Patrol South Central Mindanao noong August 23, Biyernes, nagpakawala siya ng maaanghang na salita laban kay Bea.

Ayon sa ina ni Gerald, labis siyang nasaktan dahil pinalaki umano ni Bea ang isyu tungkol sa hiwalayan nila ng aktor nang magpa-interview ito sa media.

Sana raw ay pinag-usapan na lang nila nang pribado ang naging problema nila.

Isiniwalat din ni Mommy Vangie sa panayam na hindi niya gusto si Bea para kay Gerald, pero wala siyang magawa dahil ginusto ito ng kanyang anak.

Continue reading below ↓

Binanggit pa ng ina ni Gerald na hindi raw kailanman binastos ni Gerald ni Bea.

Pero minaliit daw ni Bea ang aktor.

BEA JUST "CHILLIN'"

Sa kabila ng marami ang naghihintay ng kanyang sagot, pinili ni Bea na manahimik muna.

Bagamat paminsan-minsan ay nag-a-update siya sa kanyang Instagram account, walang direktang pahayag ang Kapamilya actress tungkol sa isyung kinasasangkutan.

Kagaya na lamang nitong Martes ng hapon, August 27, kung saan nag-post si Bea ng kanyang larawan na nakasuot ng balabal.

Caption niya, “Chillin’ while thinking of writing letters to myself just so I’m reminded that I am constantly surrounded by love. [praying emoji]"

Muli niyang ginamit ang hashtag na #OneDayAtATime, na madalas niyang gamitin simula nang pumutok ang kontrobersiya.

Dugtong pa ng aktres sa caption, “Also literally chilling now dahil ang lamig sa tent! Lol! [laughing emoji] #buhaypelikula

Kasalukuyang nagsu-shooting si Bea ng pelikula kasama sina Richard Gutierrez at Angelica Panganiban.

Continue reading below ↓

Bukod dito, nag-post din si Bea ng isa pang larawan niya sa Instagram Story na iba naman ang anggulo.

“Hi,” simpleng caption ng aktres.

Continue reading below ↓

Noong August 25, nag-post si Bea sa kanyang Instagram Story ng isang quote card: “…And then God stepped in.”

Caption niya, “Lord, I lift up everything to you [praying emoji]”

Nitong weekend din, nag-post si Bea ng short video sa Instagram Story habang nasa gym at hawak ang isang cup na sinulatan niya ng “One day at a time.”

Continue reading below ↓

Tila "One day at a time" ang mantra ng aktres sa pag-cope sa pinagdadaanang isyu dahil ito ang phrase na nakasulat sa kanyang Instagram bio.

DENNIS, MARJORIE, AND JULIA SPEAK UP

Bago ang pagpapa-interview ng ina ni Gerald noong Biyernes, nagkaroon din ng pahayag si Julia at ang kanyang mga magulang na sina Dennis Padilla at Marjorie Barretto.

Continue reading below ↓

Noong August 20, Martes, nagsalita si Dennis tungkol sa pag-uusap nila ni Gerald sa telepono dahil sa pagkakasangkot ni Julia sa paghihiwalay ng aktor at ni Bea.

Nakausap si Dennis ng reporters sa press conference ng pelikulang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo.

Dito ay ibinahagi rin ni Dennis ang mga payong ibinigay niya kay Julia sa pagharap sa isyu.

Noong August 22, Huwebes, ay na-interview naman ng ABS-CBN News si Julia.

Dito ay tahasan niyang itinanggi ang akusasyong may inahas siya, malinaw na pagtanggi sa akusasyong siya ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Gerald at Bea.

Sinabi rin ni Julia sa interview na hindi siya nililigawan ni Gerald, pero nagpahaging na hindi niya isinasarado ang sarili sa posibilidad na ito pagdating ng tamang panahon.

Inamin din ng dalaga na nananatili silang magkaibigan ni Gerald.

Noong August 26, Lunes, sinagot naman ni Marjorie sa Instagram ang mga netizen na nagtatanong kung bakit pareho ang jersey number nina Gerald at Julia—No. 3—sa All-Star Games 2019.

Continue reading below ↓

Ayon kay Marjorie, varsity player pa lamang daw si Julia noong high school ay No. 3 na ang kanyang ginagamit na numero.

HOW THE ISSUE STARTED

Unang pumutok ang isyung kinasasangkutan nina Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Julia Barretto noong July 21, 2019.

Ito ay matapos i-post ng isang netizen ang paparazzi shots nina Gerald at Julia habang naglalakad umano papuntang parking area.

Galing ang dalawa sa birthday celebration ng kanilang kaibigan si Rayver Cruz na ginanap sa isang bar sa Taguig City.

Post pa ng netizen, patunay ang mga larawan ng pagtataksil umano ni Gerald kay Bea.

July 26 nang ipahayag ni Bea sa isang interview na wala silang formal breakup ni Gerald.

August 5 nang magsalita si Gerald upang linawin na hindi niya pinagtaksilan ni Bea. Iginiit din niyang walang kinalaman si Julia sa kanilang paghihiwalay.

August 6 naman nang i-post ni Julia sa Instagram ang kanyang pahayag tungkol sa pagkakasangkot niya sa hiwalayang Bea at Gerald.

Continue reading below ↓

Sa kanyang mahabang post ay inakusahan ni Julia si Bea ng pambu-bully at paninira sa kanya nang pailalim.

Mariin din niyang itinanggi na siya ang dahilan ng breakup nina Bea at Gerald.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Based on her latest Instagram posts, Bea Alonzo remainst optimistic despite recent statements coming from Gerald Anderson and Julia Barretto's camps.
PHOTO/S: Noel Orsal / @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results