Balak sana nina Jolina Magdangal at dating ka-love team na si Marvin Agustin na gumawa ng comeback film at isali ito sa Metro Manila Film Festival ngayong taong ito.
Pero gayun na lang ang panghihinayang ng kanilang loyal fans nang mabalitaang hindi na matutuloy ang paggawa nila ng pelikula.
Sa pakikipag-usap ni Jolina sa entertainment press pagkatapos ng presscon sa kanya ng ineendorsong Uno Factory, sinabi ng actress-singer ang tunay na dahilan kung bakit hindi na nga matutuloy ang comeback film ng Jolina-Marvin love team.
Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel
