Sa presscon ng Praybeyt Benjamin noong September 28, 2011, si Carlos Agassi ang tumanggap ng pinakamalakas na palakpak at mga papuri dahil sa kanyang pag-aming nagkaroon na siya ng gay experience noong kabataan niya.
Sa isang interbyu pagkatapos ng pag-amin niya, sinabi ni Carlos na wala siyang nakitang masama sa kanyang ginawa.
"For what it’s worth, I’m grateful for my past mistakes because they made me a better person now.
"It’s just sad that whatever mistakes I did in the past are carried over to my present life," bahagi ng pahayag noon ni Carlos.
CARLOS'S "GAY" EXPERIENCE
Fast forward to 2019.
Makalipas ang walong taon, iba na ang mga statement ni Carlos sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Kapuso prime-time series na Beautiful Justice na ginanap sa isang events place sa Quezon City, kagabi, August 27.
Bukod sa paglilinaw na hindi siya nagkaroon ng gay experience, nagsalita si Carlos tungkol sa nude pictures niyang kumakalat sa Internet at ang kanyang mga karanasan na nagpapatunay na umiiral sa local entertainment industry ang "casting couch."
Pahayag ng 39-year-old actor, "I deal with gay people every day of my life.
"From school, marami tayong mga naging kaklase na closet gay.
"Ngayon, maraming mga katrabaho sa industriya and they’re very creative.
"Relationship, wala.
"But dealing with gays, lesbians... ano pa ba? Marami yun, e.
"Gender or walang sex, I deal with them every day.
"And Psychology kasi ang course ko, so kahit hindi pa nila sinasabi kung ano yung ano nila, alam ko na."
Sa puntong ito ay sinabi ni Carlos na hindi pa siya nagkaroon ng sexual relationship sa isang gay, pero hindi raw niya isinasara ang kanyang pinto rito.
"Sa sex, wala pa!" bulalas niya.
"I’m not closing doors, I am not opening doors, but as much as possible, yung experience ko lang is hanggang sa…
"Hindi ko masasabi na best friend, but close friend.”
CARLOS AGASSI'S NUDE PHOTO
Nang mapag-usapan ang nude picture niyang kumakalat sa Internet, sinabi ni Carlo na may mga fake pero may totoo.
Saad ni Carlos, "I was sad kasi I’m not doing anything bad to other women... other men, and I don’t kiss-and-tell.
"Pinalaki ako na gentleman.
"So, kung may mga babae man na gumagawa nun o ano, huwag, kasi hindi rin maganda.
"May nakita ako [na pictures]. Yung iba, hindi naman ako.
"May gusto lang na either fan na gustong mag-ingay ang pangalan ko or idol ako, pero may iba na parang ako, so it’s sad."
Alam niya kung sino ang kumuha, isa sa mga babaeng nakasama niya?
Pagkumpirma ng aktor, "Oo, but it’s sad kasi parang, why, di ba?"
Pagpapatuloy ni Carlos, "I don’t know why they do that.
"Actually, hindi ko alam kung sino sa kanila kasi single ako, e.
"I don’t judge people, e.
"Kung hawak mo yung phone mo, hindi ko iniisip na ibini-video mo ako, nire-record mo…
"I don’t wanna be that kind of person, I’m just myself.
"When they do that, it comes to show what kind of person they are.
"Hindi ko alam na kinukunan ako o piniktyuran ako.
"Sad lang, but I didn’t do anything bad."
CASTING COUCH IN SHOWBIZ
Kinunan din ng PEP.ph ng pahayag si Carlos tungkol sa sinasabing hindi magandang kalakaran sa showbiz, kung saan para magkaroon ng isang project ang isang artista, partikular ang isang male star, ay kailangan itong pumatol sa isang gay executive or director.
Casting couch ang popular na tawag dito.
Ayon sa aktor, "Sa akin, may mga nag-attempt.
"I don’t know sa iba, but I can’t prove it.
"I have nothing to say about it because…"
Paano niya na-handle ang mga ganoong attempt?
"'Sorry, the car you see outside is my car. It’s my restaurant.'
"So, ganoon lang, and then they keep quiet."
Sabi pa ni Carlos, "If you see me, I am a very simple person.
"From the shoes I wear and the clothes, all sponsored, underwear, ganyan.
"I don’t wear mga mamahalin na relo so they just think na... Low key, e.
"I don’t have security with me.
"I don’t promote or make yabang kung anong meron ako. I’m just a simple person.
"So they get surprised when they know na, ‘Ay, ikaw pala ang may-ari nito o sa 'yo pala ito.’
“So, kapag may nag-attempt, sinasabi ko na lang, 'Thank you na lang po, pero okey naman po.'
"There’s way of looking at it.
"Puwedeng isipin mo in a negative way na mukha pala akong nangangailangan or puwede mong tingnan na, 'O, they like you, di ba? Gusto ka nila.' Ganoon lang."
Magsisimula nang mapanood ang Beautiful Justice sa GMA-7 sa September 9.