Dennis Padilla calls out Gerald Anderson for not answering his texts

by Arniel C. Serato
Aug 29, 2019
Dennis Padilla admits he initiated communication with Gerald Anderson after daughter Julia Barretto's name was dragged into the actor's breakup with Bea Alonzo.
PHOTO/S: Noel Orsal

Inamin ni Dennis Padilla na nakikipag-ugnayan siya kay Gerald Anderson sa kainitan ng pagkakasangkot ng anak na si Julia Barretto sa hiwalayan ng aktor at ni Bea Alonzo.

Sa guest appearance ni Dennis sa Tonight With Boy Abunda kagabi, August 28, hiningan siya ng host na si Boy Abunda ng mensahe para kay Gerald, na nauugnay ngayon sa kanyang anak.

Tugon ng komedyante, “Parang nakaapat na text na ako dun, e, hindi siya sumasagot, e."

Dagdag pa niyang mensahe para kay Gerald, “Dapat sagutin mo naman yung text ko.”

Hindi naman inihayag ni Dennis kung ano ang nilalaman ng text messages niya kay Gerald.

Ang inamin niya ay siya ang unang nakipag-ugnayan kay Gerald nang masangkot ang pangalan ni Julia sa breakup nina Gerald at Bea.

Lahad ni Dennis, “Ang totoo dun, ako yung nag-text.

“Sinabi ko, ‘Puwede mo ba akong tawagan, si Dennis Padilla ‘to?’

“Mga after 45 minutes, tumawag naman, may niliwanag lang ako sa kanya.

Continue reading below ↓

“Sabi ko lang, ‘Anak ko ‘yan, e.'

"Yun lang, 'Pinapaalala ko lang na anak ko si Julia Barretto.'"

Unang lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)—sa report ng Cabinet Files—ang impormasyong nakausap ni Dennis si Gerald.

Dito raw inamin ng Kapamilya actor na break na sila ni Bea at nililigawan niya si Julia.

Hindi naman ito ipinagkaila ni Dennis sa mga sumunod na panayam sa kanya.

CONTROVERSY ERUPTS AGAIN

Tahimik na sana ang isyung ito, ngunit biglang lumabas ang interview ng ina ni Gerald na si Evangeline “Vangie” Opsima sa TV Patrol South Central Mindanao noong August 23.

Dito ay binanatan ng ina ni Gerald si Bea.

Inamin ni Mrs. Opsima na hindi niya gusto si Bea para sa kanyang anak na si Gerald.

Pinuna rin nito ang pagiging maingay diumano ng Kapamilya actress sa hiwalayan nila ni Gerald, na hindi nito ginawa noong nagkahiwalay sila ni Zanjoe Marudo.

Sinabihan din ng ina ni Gerald si Julia na layuan ang anak.

Continue reading below ↓

Hindi rin daw kasi sila magtatagal dahil pareho silang nasa showbiz industry.

May mga usap-usapan naman ngayong nagkaroon daw ng gap ang mag-ina dahil hindi nagustuhan ni Gerald ang pagsasalita ng ina sa isyu.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Padilla admits he initiated communication with Gerald Anderson after daughter Julia Barretto's name was dragged into the actor's breakup with Bea Alonzo.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results