Ion Perez calls Vice Ganda "MINE MINE MINE"

by Rachelle Siazon
Aug 29, 2019
Six days after claiming they are just friends, Ion Perez displays his affection for Vice Ganda via Instagram Stories.
PHOTO/S: @pereziion27 / @vynimalism Instagram Stories

Hindi man tuwirang umaamin sina Vice Ganda at Ion Perez, patuloy pa rin ang espekulasyon kung mayroon nga ba silang relasyon.

Sa kanyang Instagram Stories noong Martes ng gabi, August 27, tila nagsusumigaw ang pagtawag ni Ion kay Vice na "MINE MINE MINE."

Base ito sa blinking GIF na ginamit ni Ion bilang caption sa agaw-eksenang sweetness nila ni Vice sa All-Star Games 2019.

Continue reading below ↓

Kuha iyon nang tumakbo si Vice para yakapin si Ion matapos maka-shoot ng three points ang huli sa basketball.

Si Ion ay kabilang sa Team Vice Ganda na nakalaban ng Team Gerald Anderson sa event na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Linggo, August 25.

Ipinost din ni Ion sa Instagram Stories ang litrato nila ni Vice na magka-holding hands sa gitna ng hardcourt.

Continue reading below ↓

King and Queen ang peg ng crown emojis na inilagay ni Ion sa kanilang picture.

ACTIONS SPEAK LOUDER THAN WORDS?

Kung pagbabasehan ang kilos nila, lumalabas na tila hindi mahalaga kina Ion at Vice na lagyan ng label ang maganda nilang samahan kapag kaharap ang media.

Continue reading below ↓

Noon lang August 21, nanindigan si Ion sa isang panayam na magkaibigan lang sila ni Vice.

Kahit pilit na tinanong si Ion kung inililihim lang ba nila ang kanilang relasyon, sinabi pa rin nitong sadyang malapit lang sila ni Vice sa isa't isa.

Nasundan ito ng hiwalay na panayam kay Vice kunsaan umiwas siyang magbigay ng pahayag sa sinabi ni Ion na hindi sila magkarelasyon.

Sabi lang ni Vice, basta "happy" lang sila ni Ion.

Pero sa kani-kanilang Instagram Stories, kapansin-pansing may kilig pa rin ang kilos nila kapag sila ay magkasama.

VICE GANDA'S UNNAMED BOYFRIEND

Sa June 23, 2019 episode ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime, umamin si Vice na "seven months" na ang relasyon niya sa kanyang boyfriend na hindi niya pinangalanan.

Sabi pa niya, matagal siyang "nagdusa sa pag-iisa" kaya panahon naman daw para maging masaya ulit ang kanyang buhay pag-ibig.

Nang sumunod na buwan, lumikha rin ng usap-usapan ang pagbisita ni Vice sa hometown ni Ion sa Tarlac, pati na ang kumalat nilang litrato kasama ang kani-kanilang ina.

Continue reading below ↓

Bagamat tikom ang bibig ni Vice kung sino ang kanyang karelasyon, hindi maiwasang maiugnay siya kay Ion na ilang buwan nang tinutukso sa kanya.

Noong March 2019 nagsimulang maging laman ng balita sina Vice at Ion matapos maiulat ang pag-amin ng huli na "espesyal" sa kanya ang comedian-host.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Six days after claiming they are just friends, Ion Perez displays his affection for Vice Ganda via Instagram Stories.
PHOTO/S: @pereziion27 / @vynimalism Instagram Stories
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results