McCoy de Leon approves of ex-girlfriend Elisse Joson dating Jameson Blake

by Arniel C. Serato
Aug 29, 2019
McCoy de Leon (left) on Jameson Blake (right) dating Elise Joson (center): "Sabi ko na lang, ‘Basta, alagaan mo na lang, huwag mo sasaktan, ha. Basta ligawan mo yung nanay.'"
PHOTO/S: Arniel Serato / Courtesy: @elissejosonn on Instagram

Aminado si McCoy de Leon, 24, na nailang siya noong una na makasama sa pelikula ang kapwa Hashtags member na si Jameson Blake, 22.

Ito ay dahil sa pareho nilang pagkakaugnay sa Kapamilya actress na si Elisse Joson, 23.

Ex-girlfriend ni McCoy si Elisse, na idini-date naman ngayon ni Jameson.

Saad ni McCoy, “Aaminin ko po, sa totoo lang, una, awkward.

“Kasi, first time ko... actually second time na makikita ko [sila magkasama], kasi artista kami.

“Pero kailangan kong ipakita sa mga tao na kailangan nating mag-move on.

“Kumbaga, huwag natin i-stuck yung sarili natin sa negative, sa lungkot, kaya ayun.

“Siyempre kaibigan ko po yung tao, si Jameson, kaibigan ko.

“Mas inisip ko nga na sana maging masaya yung kaibigan ko talaga, 'tsaka siya na bahala.”

Paano nagpaalam sa kanya si Jameson na liligawan nito ang dati niyang nobya?

Lahad ni McCoy, “Actually, parang naramdaman ko siya na may gusto siyang sabihin.

Continue reading below ↓

“Yun nga ang nakakatuwa sa kaibigan ko, nilinaw niya, sa kanya na nanggaling.

"At lalong tumaas ang respeto ko sa kanya dahil dun.

“Sinabi lang niya, ‘Okay lang ba that we’re dating?’ ganyan.

“Una, parang di ko alam ang isasagot ko, kasi first time ko makaganun ng kaibigan.

“Pero ginawa ko na mas maganda na side, na brighter side na, ‘Okay ‘to, a, parang iba ‘tong kaibigan ko na ‘to.’

“Sabi ko na lang, ‘Basta, alagaan mo na lang, huwag mo sasaktan, ha. Basta ligawan mo yung nanay.’ Yun yung sinabi ko.

“Actually, wala naman talagang problema, yung sitwasyon lang talaga.

“Sabi ko, alagaan lang niya, huwag niya saktan, yun lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si McCoy sa announcement mediacon ng pelikulang G! noong Martes, August 27.

Ang G! ay official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2019.

Dumalo rin sa event ang iba pang bida ng pelikula na sina Jameson at Mark Oblea, at ang direktor nilang si Dondon Santos.

Continue reading below ↓

Ipalalabas ito sa mga sinehan simula September 13.

MCCOY HAS MOVED ON

Ayon kay McCoy, naka-move on na siya sa hiwalayan nila ni Elisse.

Nais daw muna niyang mag-focus ngayon sa kanyang trabaho at sarili.

“Sobrang masaya ako ngayon. Kumbaga, may trabaho ako.

“Dumadating nga sa point na nami-miss ko din yung dati, yung may love team.

Continue reading below ↓

“Dati, lahat ng galaw mo, nakikita ng mga fans.

“Ngayon, medyo still lang. Aminado naman ako na medyo ganun lang. Steady lang.

“Sabi ko sa sarili ko, ‘Dati extra-extra lang ako, bakit ako hahangad pa ng mas mataas?'

“Para sa akin, may mga project lang ako na mapanood lang ng pamilya ko, okay na ako.

“Hindi naman kailangan na maging sikat na sikat.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
McCoy de Leon (left) on Jameson Blake (right) dating Elise Joson (center): "Sabi ko na lang, ‘Basta, alagaan mo na lang, huwag mo sasaktan, ha. Basta ligawan mo yung nanay.'"
PHOTO/S: Arniel Serato / Courtesy: @elissejosonn on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results