PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Binene gets "wrong sent" messages amid Bea-Gerald-Julia issue

Kapuso actress Bea Binene reacts to netizens' memes of her being linked to controversy involving Kapamilya stars.
by Rachelle Siazon
Published Aug 29, 2019
Kapuso actress Bea Binene on memes jokingly linking her to controversy involving Kapamilya stars Bea Alonzo, Gerald Anderson, and Julia Barretto: "Sobrang funny sa iba. Pero huwag naman natin gawing katatawanan kung anuman ang sitwasyon nila."
PHOTO/S: Noel Orsal

Nasorpresa si Bea Binene nang hindi sinasadyang madawit siya sa memes ng netizens noong kasagsagan ng kontrobersiya sangkot sina Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Julia Barretto.

Ilang beses naging trending topic sa Twitter ang hiwalayan nina Bea at Gerald kasabay ng espekulasyong si Julia ang diumano'y bagong napupusuan ni Gerald.

Si Bea Binene ay exclusive star ng GMA-7, habang sina Bea Alonzo, Gerald, at Julia ay mula naman sa ABS-CBN.

Sa kaso ng Kapuso actress, pati raw siya ay nakatanggap ng direct messages mula sa netizens na idinaan sa biro ang isyu sangkot ang tatlong Kapamilya stars.

Kuwento ni Bea: "Well, ayaw kong mag-comment ng ano, kasi baka sabihin nila baka ginagamit para sa promotion ng show.

"Pero nakakatuwa kasi may mga nagdi-DM sa akin, 'Bea, kaya mo iyan. Hindi mo deserve. There's life at the end of the tunnel.' Chuchuchu!

"O, kaya meron dun isa, 'Bea, kaya mo iyan. Ay, wrong sent! Maling Bea pala.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May netizens ding nag-tag kay Bea ng memes sa Twitter noong kasagsagan ng isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halata naman daw na nagbibiro ang netizens, lalo pa't naging malaking usap-usapan ang Bea-Gerald-Julia issue hindi lang sa showbiz kundi pati na rin sa mundo ng mga pulitiko.

Patuloy ni Bea ng GMA-7: "Sobrang funny sa iba. Pero huwag naman natin gawing katatawanan kung anuman ang sitwasyon nila.

"Kasi kung anuman ang situation nila, sa kanila na yun, labas na tayo dun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ibang Bea lang po."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea sa media launch ng pinagbibidahan niyang bagong GMA-7 prime-time series na Beautiful Justice.

Ginanap ang event sa Le Reve Events Place, noong Martes ng gabi, August 27.

NO "GHOSTING" EXPERIENCE

Naranasan na rin ba niya ang masangkot sa sitwasyon nang tulad sa kanyang katukayo?

Sagot ni Bea, "Ghosting? Wala naman. Huwag naman sana."

Ang tinutukoy ng Kapuso actress na "ghosting" ay ang napabalitang sinabi ni Bea Alonzo na wala umano silang formal breakup ni Gerald at bigla na lang siyang hindi kinausap ng nobyo.

Pagdating sa usaping love life, paiwas ang mga sagot ng Kapuso actress kung mayroon siyang boyfriend ngayon.

"Tahimik naman po," napapangiting sabi lang ni Bea.

Hangga't maaari ay gusto raw niyang panatilihing pribado ang kanyang buhay-pag-ibig.

"Siyempre naman. Kahit sino ayaw ng kumplikasyon sa buhay."

BEA ON HANDLING A RELATIONSHIP

Sa huli, ang sinagot na lang ni Bea ay kung ano ang natutunan niya pagdating sa pakikipagrelasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ano ba natutunan ko? Magtira ka para sa sarili mo.

"Kahit anong mangyari, magtira ka. Kailangan alam mo ang deserve mo.

"Kailangan palagi niyo ise-center si God."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Bea Binene on memes jokingly linking her to controversy involving Kapamilya stars Bea Alonzo, Gerald Anderson, and Julia Barretto: "Sobrang funny sa iba. Pero huwag naman natin gawing katatawanan kung anuman ang sitwasyon nila."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results