Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Ina Raymundo says she was exploited as sexy star in the '90s

by Bernie V. Franco
Aug 30, 2019
Actress Ina Raymundo talks about being in sexy movies she did in the past. “Because I was young. Parang feeling ko I didn’t have a voice, yung ganoong feeling."
PHOTO/S: Noel Orsal

“I don’t really wanna talk about it, but, yeah, I was exploited… sobra.”

Ito ang inamin ni Ina Raymundo nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at dalawa pang bloggers tungkol sa paggawa niya ng bold movies noong ‘90s hanggang early 2000s.

Nakausap si Ina sa press conference ng upcoming movie na Open, na pinangungunahan nina Arci Muñoz at JC Santos, sa Limbaga 77 Restaurant, Quezon City, nitong August 29, Huwebes.

Nangyari ang pagbubunyag ni Ina nang magkuwento siya tungkol sa love scene nila ni JC sa pelikula.

Ayon sa 43-year-old actress, nagkaroon siya ng agam-agam na gawin ang love scene kasama si JC dahil may mga anak na siya.

Pero naging maalaga raw si JC nang kunan ang kanilang maseselang eksena.

“Siyempre may conflict sa mind ko dahil meron akong mga anak na babae pa, di ba?

“Pero kasi itong movie na ito, it's not a bold movie, it’s a dramatic movie with fine actors, brilliant actors.

Continue reading below ↓

“Yung scene namin ni JC, magaling siyang artista, hindi niya ako pababayaan at saka ni Direk [Andoy Ranay] kaya pumayag ako sa love scene.

“Willing ako to do daring scenes, because I’m an actor and I love my craft more than ever.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“I’ve never done that in a long, long, long time, like, 20 years na yata," saad ni Ina.

Naging professional daw si JC.

“I felt safe.

“Hindi ako na-exploit… yung pakiramdam na na-exploit.

“Kasi that’s the number one na ayokong mangyari ulit sa akin… ma-exploit.”

INA SAYS SHE WAS EXPLOITED IN THE PAST

Na-exploit siya noon?

Pag-ulit ni Ina, “Yeah, di ba? Yung mga movies noong '90s talaga.

“May mga ganoong pangyayari, may exploitation.

“So, yun ang na-promise ko sa sarili ko, I will never ever allow myself to be exploited again.”

Unang nakilala si Ina nang ma-feature sa isang beer commercial noong mid-‘90s.

Pumasok siya sa showbiz at nagkaroon ng pangalan bilang isang sexy actress.

Continue reading below ↓

Kabilang sa sexy films na ginawa niya noon ay ang mga sumusunod: Bikini Watch (1995), Lihim (1997), Burlesk Queen Ngayon (1999), Shame, Bakit Ako Mahihiya? (2000), Madame X (2000), at Tuhog (2001).

Inusisa ng PEP.ph si Ina kung bakit hinayaan niyang ma-exploit siya sa mga pelikulang ginawa.

Tugon niya, “Probably because yun yung uso…

“Pag kinukunan yung scene, parang sa isip mo, ‘Di naman ito kasama…’

"But then you’re, like, ‘No, you have to do this…’ yung ganoong feeling.”

Pressure daw ang isa pang dahilan.

“Because I was young. Parang feeling ko, I didn’t have a voice, yung ganoong feeling.

“Kasi 23-24, so I felt so young.

“And yun yung uso, so parang, ‘Okay, I’m doing it because yun ang uso.’”

LESSONS FROM BEING EXPLOITED

Tinanong din namin si Ina kung ano ang payo niya sa mga baguhan at batang artista para hindi nila maranasan ang ma-exploit.

“Unang-una, siyempre, you have to talk to your manager to help you, di ba?

Continue reading below ↓

“Kailangan talaga bago pa [gawin] yung pelikula, naka-layout na yung plans, hindi yung parang pagsu-shoot na, biglang may madadagdag.

“Basta kailangan may nakabantay na merong middle person na poprotektahan ka,” paliwanag ng aktres.

Wala bang nagbabantay sa kanya noon kaya siya na-exploit?

“Yeah. I don’t really wanna talk about it, but, yeah, I was exploited, sobra…

“Kailangan huwag kang papayag.

“Sobra kasi ang bold movies in the ‘90s.

“Pero ngayon, mild pa ito, sobrang mild pa ito.”

Natutuwa raw si Ina na kahit may daring scenes ang mga pelikula ngayon ay dekalidad naman ang mga ito.

Read Next
Read More Stories About
JC Santos, Open, Ina Raymundo
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Ina Raymundo talks about being in sexy movies she did in the past. “Because I was young. Parang feeling ko I didn’t have a voice, yung ganoong feeling."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results