Troy Montero figures in racing mishap at Vios Cup

by James Patrick Anarcon
Aug 31, 2019
Troy Montero figures in racing mishap at the ongoing 2019 Vios Cup after his car rear-ended another racer's car near the finish line. Troy was immediately rescued and rushed to the nearest hospital.
PHOTO/S: @troymontero on Instagram / Screengrab on Vios Cup Facebook Live

Naaksidente ang actor-model na si Troy Montero habang nakikipagkarera sa Vios Cup ngayong Sabado, August 31.

Base sa Facebook Live ng Vios Cup, papunta na sa finish line ang kotse ni Troy nang bigla itong bumilis at bumangga sa likod ng kotse ng kapwa-racer niyang si John Dizon.

Continue reading below ↓

Agad namang sumugod ang mga medic para i-rescue ang dalawang racer.

Nakababa nang maayos si Dizon mula sa kanyang sasakyan, habang si Troy ay tinulungan ng mga medic na makababa mula sa kanyang kotse.

Inihiga rin si Troy sa stretcher at isinakay sa ambulansya.

Continue reading below ↓

Ayon naman sa mga commentator na sina Apple David at James Deakin na nagsasalita sa Facebook Live ng Vios Cup, hindi naman daw malubhang nasaktan si Troy dahil sa aksidente.

Agad ding inalis ang mga nasirang sasakyan sa race track.

Bukod kay Troy, kalahok din sa karera ang asawa nitong si Aubrey Miles.

Sa kasalukuyan ay wala pang balita kung ano ang kalagayan ni Troy pagkatapos ng aksidente.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Troy Montero figures in racing mishap at the ongoing 2019 Vios Cup after his car rear-ended another racer's car near the finish line. Troy was immediately rescued and rushed to the nearest hospital.
PHOTO/S: @troymontero on Instagram / Screengrab on Vios Cup Facebook Live
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results