Ahron Villena unfazed by past nude photo scandal

by Rommel Gonzales
Aug 31, 2019
Ahron Villena explains why he didn't really worry too much about his past nude photo scandal: “Kasi at the end of the day, parang yung scandal, normal na siya sa industry. Kumbaga, pag wala ka nun, parang, ‘Ay, wala siyang scandal?’"
PHOTO/S: Noel Orsal

Tinanong namin si Ahron Villena kung kailan ang lowest point ng career at personal life niya.

Ito ba ay yung panahong matagal siyang walang trabaho, o yung panahong pinagpipiyestahan sa internet ang nude photo niya?

“Hahaha! Hindi nung pinagpipiyestahan.

"May trabaho nga ako nun, e! Nagla-La Luna Sangre ako nun, e.

“Siyempre yung mga tao hindi maiiwasan, 'Nag-ingay lang kasi may ganyan, may ganito.’

“Pero hindi po talaga totoo yun,” paglinaw niya.

Hindi raw totoong sinadya ni Ahron na maglitrato nang walang saplot at ikalat sa social media para pag-usapan.

Paliwanag niya, “Siguro puyat na puyat ako nun sa taping, pag-uwi ko ng bahay, galing ng La Luna Sangre, hindi ko namalayan.”

Marami siyang napasaya sa nude photo niyang iyon, banggit namin kay Ahron.

“Napasaya ba kita?” nakangiting buwelta sa amin ni Ahron, na sinagot namin ng, ‘Oo naman, kaya kailangang may bago!’

“Sige, mga November,” natatawang hirit pa ni Ahron.

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ahron sa Max’s restaurant sa Sct. Tuazon sa Quezon City nitong nakaraang Miyerkules, August 28, sa mediacon ng indie film na Marineros.

Gaganap dito si Ahron bilang si Kent sa Marineros na ipapalabas sa mga sinehan sa September 20.

Sa direksyon ni Anthony Hernandez (na gaganap rin bilang Marigold), ang Marineros ay produced ng Golden Tiger Films at Premier-Dreams Productions, Inc. at pagbibidahan nina Michael de Mesa (as Dennis), Jon Lucas (as Vale), Jef Gaitan (as Maya), Paul Hernandez (as Kelvin), Alvin Nakasi (as Harley) at Valerie Concepcion (as Nerissa).

HONEST ENOUGH TO ADMIT HIS MISTAKE

Mas low point raw sa buhay ni Ahron kapag wala siyang trabaho kaysa sa scandal na pinagdaanan niya.

Rason niya, “Kasi at the end of the day, parang yung scandal, normal na siya sa industry.

“Kumbaga, pag wala ka nun, parang, ‘Ay, wala siyang scandal?’

“Kasi ngayon, parang… lahat meron na, e. Di ba?

Continue reading below ↓

“Hindi ko naman sinasabing parang, “Ah, ako din dapat!’

“Kasi hindi ko naman talaga intention na mangyari yun.

“So kumbaga, somehow, talaga, nakatulong siya, on my...”

Umamin that time si Ahron na siya nga yung nasa litrato.

Lahad niya, “Yes. Nag-post ako nun na parang, kasi di ba sa IG natin yung story tsaka save magkadikit, magkadikit talaga siya.

“'Tapos, everytime talaga pag nasa bahay ako, yung PA [personal assistant] ko kasi stay-out na.

"So pag-uwi ko, hubu’t hubad talaga ako. 'Tapos, nung time na yun, parang sabi ko, ‘Magse-selfie lang ako’, boomerang, ganyan, bago ako maligo, ganyan.

“Hindi ko nakita talaga nahagip 'siya,' pagtukoy ni Ahron sa kanyang private part.

At hindi sinasadyang nai-post iyon ni Ahron dahil magkatabi nga ang IG story at save button.

ADVICE TO FELLOW CELEBRITIES

Ano ang mensahe niya sa ibang male celebrities na may ganitong scandal?

Sabi niya, “If you have the guts, aminin mo na!

Continue reading below ↓

"Sabi nga nila, kumbaga, hindi naman ako nagyayabang.

“So ako naman, I don’t... hindi ko naman alam na, ‘Talaga ba?’

“Kasi ako para sa akin, normal lang naman yun. Kumbaga, parang, ‘Ay, pare-pareho naman ang size ng mga Pilipino.’

“Di ba?”

Sagot namin kay Ahron, “above average” ang sukat ng kanyang pagkalalaki kumpara sa ibang kalalakihang Pinoy.

“Ah, ayun po.

“Napagkamalan pa akong may lahi,” at natawa si Ahron.

“Binura ko talaga agad siya right after nung na-realize ko but wala, may naka-screenshot na. And then hindi ako makatulog.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ahron Villena explains why he didn't really worry too much about his past nude photo scandal: “Kasi at the end of the day, parang yung scandal, normal na siya sa industry. Kumbaga, pag wala ka nun, parang, ‘Ay, wala siyang scandal?’"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results